Bicol RDRRMC, nanawagan matapos 'di na kayanin umano ang pag-rescue
- Nanawagan ang Bicol RDRRMC matapos na umano'y hindi kayanin ang pag-rescue sa nga humihingi ng tulog
- Dahil sa bagyong Kristine, hindi mapigil ang pagtaas ng tubig partikular na sa na sa Bicol Region
- Kabi-kabilang update ang makikita kung saan may ilang mga na-stranded pa sa bus at inabot na ng baha
- Sa ilang oras na pananalasa ni "Kristine", nakararanas parin ng pagbaha ang nasabing rehiyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hatinggabi ng Oktubre 22, naglabas na ng pahayag ang Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa patuloy na pagbaha sa kanilang lugar bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ang nasabing rehiyon ang nakararanas ng matinding pagbaha na umabot na umano bubong ng kanilang mga tahanan.
Sa nasabing post, nasabing hindi na umano kinayang tugunan ng rescuers ang panawagan ng mga residente partikular na sa Camarines Sur, Albay at Naga City. Hiling nila ang matinding pang-unawa sa sitwasyon.
Narito ang kabuuan ng post na ibinahagi rin ng ABS-CBN News:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, ipinakita naman ng DZRH Naga ang sitwasyon ng kanilang lungsod. Makikitang lubog pa rin sa baha at sa bubong ng mga bahay ang tubig.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Kristine ay huling nakita 345 km sa silangan hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte, na kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 10 km bawat oras. Si Kristine ay may taglay na hangin na 75 km bawat oras malapit sa sentro, na may pagbugso na umabot hanggang 90 km bawat oras.
Sinabi rin ni PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja na maaaring lumakas pa ang "Kristine" at maging isang malubhang tropikal na bagyo bago ito inaasahang tumama sa lupa sa mga darating na araw.
Samantala, matatandaan na sa kasagsagan ng Bagyong Enteng, ilang residente sa Bacoor na nasunugan ay binaha naman ang evacuation center na kanilang tinutuluyan. Inabot din hanggang tuhod ang kanilang pinaglikasan dahilan upang maapektuhan ang gamit na bitbit ng ilang mga naroon.
Nagdulot din ang nasabing bagyo noon ng trahedya sa ilan nating kababayan. Tulad na lamang ng isang siyam na buwang gulang na sanggol sa Naga City na natagpuan na lamang ng kanyang mga magulang na nakalutang sa tubig baha. Sa kasamaang palad, nasawi ang sanggol sa pagkalunod.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh