Mga estudyanteng sakay ng bangka pauwi, humarap sa panganib dulot ng malalaking alon
- Sumuong sa matinding panganib ang ilang estudyante sa Bulacan, sakay ang bangka
- Pauwi na ang mga estudyente naisipang kunan ng video ng isa sa mga sakay ang nangyari
- Bunsod ng halos walang tigil na ulan ng Bagyong Enteng, naging pasakit pa umano ang malalaking alon sa dagat na kinailangan
- Ilang mga lugar sa bansa ang labis na naapektuhan ni Enteng at karamihan sa mga ito ay baha
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang nakakaalarma na insidente ang naganap sa bayan ng Hagonoy, Bulacan noong umaga ng Lunes, Setyembre 2 nang ang isang grupo ng mga estudyanteng pauwi mula sa kanilang paaralan ay hinampas ng malalaking alon habang sakay ng isang bangka.
Nakunan ng isang Grade 10 student na sakay ng bangka ang pangyayari bandang alas-9 ng umaga na naiabahagi rin ng GMA Public Affairs.
Sa video, makikita ang malalakas na alon na sumasalubong sa bangka na nagdudulot ng matinding panganib. Ang mga estudyante ay nasakupan ng malakas na hampas ng alon na tila naglalaman ng lakas at lubhang delikado.
Ayon sa ina ng estudyanteng kumuha ng video, ang kanilang pamilya ay nakatira sa isang isla, kaya't ang mga bata ay kinakailangang sumakay ng bangka upang makauwi mula sa kanilang paaralan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ipinahayag ng ina ng estudyante na ang pag-commute sa pamamagitan ng bangka ay isang karaniwang bahagi ng buhay sa kanilang lugar. Gayunpaman, ang malalakas na alon sa mga panahong iyon ay nagbigay ng matinding panganib sa kanilang biyahe bunsod ng bagyong Enteng.
Nagpasalamat ang ina na walang seryosong pinsala ang nangyari sa mga bata sa kabila ng panganib na dulot ng malalaking alon.
Agad nang nasuspinde ang klase sa lahat ng antas sa paaralan noong Setyembre 2, at may maagang anunsyo na rin mula sa Palasyo ang suspendidong klase para na rin sa Setyembre 3 bunsod pa rin ng pag-ulan na dala ng bagyong Enteng.
Narito ang kabuuan ng video:
Marami sa mga kababayan nating mag-aaral na talagang dumidiskarte para lamang maipagpatuloy ang edukasyon.
Matatandaang isang dalagita ang minsang nag-viral matapos makitang pumapadyak ito ng unicycle ng nasa 30-45 minutes para lang makapag-aral.
Gayundin ang isang mag-aaral na lakas loob na naglalako ng turon sa kanyang mga kaklase at iba pang kasama sa paaralan upang madagdagan ang pantustos sa kanyang pag-aaral.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh