Dating Pangulong Rodrigo Duterte, maaring kasuhan dahil kay Quiboloy ayon sa PNP
- Posibleng maharap sa kasong "obstruction of justice" si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pahayag niya ukol kay Pastor Apollo Quiboloy
- Ipinahayag ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na pinag-aaralan nila ang naging pahayag ni Duterte
- Sinabi ni Marbil na naghihintay sila ng mga saksi upang makapag-file ng kaso kung may basehan sa PD 1829
- Inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos na may ₱10 milyong pabuya para sa impormasyon na magdudulot ng pagka-aresto kay Quiboloy
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Maaaring maharap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong “obstruction of justice” dahil sa kanyang pahayag kamakailan na alam niya ang kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy ngunit ito ay "secret" lamang niya.
Ibinahagi ito ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa isang press briefing nitong Lunes, Hulyo 8. Ayon kay Marbil, maaaring makasuhan ng “obstruction of justice” o Presidential Decree No. 1829 ang sinumang nagtatago ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng isang puganteng pinaghahanap ng mga awtoridad, tulad ni Quiboloy.
Kaugnay nito, sinabi ng PNP chief na kanilang pinag-aaralan ang naging pahayag ni Duterte hinggil sa kinaroroonan ni Quiboloy. “We are looking for any statement na nagsasabi kung nasaan ang tao. Pinag-aaralan po namin kung talagang papasok po doon sa PD 1829. We are just waiting for witnesses po na ito po ang sinabi niya para mag-file po ang PNP kung talagang nagwa-warrant po rito sa PD 1829,” ayon kay Marbil.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sa parehong press briefing ay inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Quiboloy.
Si Apollo Quiboloy ay isinilang sa Davao City. Dati siyang miyembro ng United Pentecostal Church at nang kinalaunan ay nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ church.
Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahab sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.
Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala. Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano'y binibintang sa kanya.
Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh