Ogie Diaz sa pagharang ni Robin Padilla sa pag-aresto kay Quiboloy: 'Deserve ng taumbayan ang truth"

Ogie Diaz sa pagharang ni Robin Padilla sa pag-aresto kay Quiboloy: 'Deserve ng taumbayan ang truth"

- Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy

- Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group

- Ani Ogie, magkaiba sila ng pananaw ni Senator Padilla kaugnay sa bagay na ito dahil aniya ay deserve ng taongbayan ang katotohanan

- Aniya, sanay ay hinayaan niya si Pastor Quiboloy na ipagtanggol nito ang kanyang sarili

Binahagi ni Ogie Diaz ang kanyang saloobin kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pagpapa-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Aniya, sana ay hinayaan niya si Pastor Quiboloy na ipagtanggol nito ang kanyang sarili.

Ogie Diaz sa pagharang ni Robin Padilla sa pag-aresto kay Quiboloy: 'Deserve ng taumbayan ang truth"
Ogie Diaz sa pagharang ni Robin Padilla sa pag-aresto kay Quiboloy: 'Deserve ng taumbayan ang truth"
Source: Facebook

Dagdag pa ni Ogie, deserve ng taongbayan ang katotohanan.

Magkaiba kami ng pananaw ni Sen. Robin Padilla. Sana, hinayaan niyang ipagtanggol ni Quiboloy ang sarili niya. Deserve ng taumbayan ang truth.

Read also

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang ayon sa ruling ng panel chairperson, na si Senator Risa Hontivero ay pinapaaresto si Quiboloy para sa pagtanggi nito na dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y abuses at human trafficking sa religious group..

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel