Pagsusuot ng face mask, inirekomenda ng mga eksperto dahil umano sa whooping cough
- Inirekomenda ng mga eksperto ang muling paggamit ng face mask lalo na sa mga kabataan
- Ito ay dahil sa banta ng patuloy na pagkalat ng pertussis o tinatawag din na whooping cough
- Katunayan, kamakailan lang ay idineklara na ng Quezon City ang umano'y outbreak ng whooping cough
- Sinasabing ito ay delikado lalo na sa mga bata at sanggol pati na rin iyong nasa 'vulnerable sector'
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling inirekomenda ang paggamit ng face mask sa publiko lalong-lalo na iyong mga bata bilang proteksyon sa ngayo'y kumakalat na pertussis o whooping cough.
Ayon sa Philippine Star, kinumpirma ng Department of Health ang patuloy na pagdagdag ng bilang ng mga tinatamaan ng whooping cough na maihahalintulad sa simpleng ubo lamang sa simula.
"I highly recommend wearing face masks, especially the children since we are declaring an infection that can be transmitted through respiratory droplets," ani infectious disease expert Dr. Rontgene Solante sa panayam sa kanya ng Bagong Pilipinas Ngayon program noong Marso 22.
Ang Pertussis ay isang uri ng sakit na dulot ng bacteria na kung tawagin ay Bordetella Pertussis. Dahil maapektuhan ang ating respiratory system, maari itong makahawa. Sinasabing tila isa itong matagal na ubo na maaring hindi maging maganda ang epekto sa mga bata lalo na sa mga sanggol.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, isa sa mga paraan upang makaiwas dito ay ang pagsusuot ng face mask lalo na at pumapasok ngayon ang mga bata sa paaralan.
Gayunpaman, kahit sino ay pwede pa ring tamaan ng karamdamang ito kaya't ibayong pag-iingat muli ang kinakailangan.
Sa ulat ng GMA, kanilang naibahaging nagdeklara na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng pertussis outbreak sa kanilang lungsod. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas umano ng kaso ng whooping cough sa QC mula Enero hanggang Marso 20 ng kasalukuyang taon.
Matatandaang sa pagbubukas noon ng mga paaralan sa taong 2022, patuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask ng mga estudyante dahil sa banta noon ng COVID-19. Sa kabila ng malawakang pagbabakuna ng publiko, minabuting patuloy pa rin ang pagsusuot ng mga mag-aaral ng face mask bilang proteksyon sa nasabing virus.
At ngayong 2024, isa na namang banta ng nakahahawang sakit ang umano'y lumalaganap dahilan upang ibalik muli ang pagsusuot ng face mask lalo na ng mga mag-aaral. Bukod dito, paalala rin ng Department of Health ang madalas na paghuhugas ng kamay o pagdisinfect gayung pareho ng paraan ng pagkakahawahan ang COVID-19 at Pertussis o whooping cough.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh