Chowking, naglabas na ng pahayag ukol sa nagbabahay-bahay nilang empleyado
- Mabilis na nag-viral ang video ng umano'y empleyado ng Chowking na nagbabahay-bahay upang kumuha ng order
- Ito umano ay pinagagawa sa kanya ng kanilang store manager upang ma-meet ang kanyang quota
- Labis ang pag-aalala ng mga nakapanood ng video gayung sariling pamasahe ang ginagamit ng empleyado na doble-doble rin ang nagagawang trabaho
- Agad namang naglabas umano ng opisyal na pahayag ang Chowking Philippines kaugnay sa insidenteng ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nito lamang Nobyembre 25, mabilis na nag-viral ang TikTok video kung saan nakunan umano ng residente ng Ecoland sa Davao City ang isang empleyado ng Chowking na nagbabahay-bahay upang kumuha ng order.
Sa naturang video na naibahagi ni Maria Cabral ng TIkTok, makikitang may payong, at may hawak na cellphone ang nakaunipormeng empleyado ng Chowking habang nagbabakasakali sa mga residente na mayroong mag-order sa kanila.
Ayon sa empleyado, pinagagawa umano ito ng kanilang manager upang ma-meet umano ang kanilang quota.
Samantala, sa pahayag ng Chowking sinabing pinatigil agad nila ang gawaing ito habang patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente. Siniguro rin nilang hindi natanggal sa trabaho ang naturang empleyado.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"At Chowking, upholding ethical standards in conducting business is a core commitment, and the safety and well-being of our team members remain our top priority,”
Sa kabila nito, hindi maiiwasang marami umano ang nadismaya sa pagpapahintulot ng naturang branch na magbahay-bahay ang kanilang empleyado.
Narito ang ilang saloobin ng mga netizens:
"I do hope you go on to release a statement about the concerned manager too and what he or she was thinking of? Where is the health and safety consideration Chowking PH"
"All these efforts para sa kakarampot na sweldo, Overworked tapos underpaid"
"Imagine maglakad may dalang cellphone at pera yung tao, hindi natin masabi, madami pede mangyari sa kalsada"
Samantala, matatandaang gumawa rin ng ingay online ang "jolly towel" kung saan, imbis na chicken joy ang na-deliver, bimpo na nai-deep fry lamang ito. Agad ding naglabas ng pahayag ang Jollibee ukol sa kontrobersya. Isa sa mga hakbangin nila ay pagtrain muli sa kanilang mga empleyadong upang masiguradong hindi na muli ito magaganap pa sa kanila. Ipinasara rin ng ilang araw ang naturang branch na nakapag-serve ng naturang 'fried towel.'
Samantala, isang dating crew naman ng naturang fast food ang nagdetalye ng kanyang preparasyon noon ng "chicken joy". Halos hindi siya makapaniwala sa ipinupukol ngayon ng ilan sa Jollibee at kahit na kabi-kabila ang mga isyu nito, hayagan niyang sinabi ang pagmamalaki sa Jollibee at ipinagpasalamat niya ang limang taon na naitulong nito sa kanya.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng marami sa paboritong fast food chain ng mga Pinoy. Isa na rito si Ogie Diaz na napa-react sa naturang insidente sa isang branch ng Jollibee. Aniya, love pa rin niya ang chicken joy sa kabila ng nangyaring ito. Bukod kay Ogie, isa rin si Aga Muhlach sa mga nagpabatid ng suporta sa Jollibee sa mga panahong iyon. Sa kanyang IG post, pinasalamatan pa niya ang fast food chain sa ilang dekada na nakasama umano ito ng kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh