Biktima ng agaw-CP, nakuha naman ang motor ng suspek dahil umano sa TikTok
- Maging ang pulisya ay namangha nang makuha ng biktima ang motorsiklo ng suspek
- Umano'y inagawan ng cellphone ang biktima matapos daw niyang tumanggi sa alok ng suspek
- May kasama pa umano ang unang suspek na lumapit sa kanya ngunit pareho na itong walang nagawa
- Sa ngayon, pinaghahanap pa rin ang mga salarin gayung nakuha na ang detalye ng kung sino ang may-ari ng naturang motorsiklo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kakaiba ang pangyayari na pag-agaw ng cellphone ng isang naka-motorsiklo sa isang lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kalsada.
Base sa video ng CCTV sa Las Piñas, Kwento ng biktima, nag-aalok umano ng babae ang naka-motor ngunit pilit umano siyang tumatanggi.
Makikitang umalis din ang suspek subalit nakaparada pa rin ang kanyang motor sa gilid ng kalsada. Maya-maya'y bumalik ang suspek na may kasama pang isang lalake sa lugar kung nasaan naroon pa rin biktima.
"Pinipilit po nila talaga ako doon na kumuha ako ng babae. Tapos ayun po, pagkasabi ko pong ayoko, kinuha po nila bigla yung cellphone ko," pahayag ng biktima.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, lakas-loob niyang sinundan ang mga suspek hanggang sa makatiyempo at mahablot ang susi ng motor dahilan para maitakbo niya ito.
Agad namang nahanap ng pulisya ang may-ari ng motorsiklo at natukoy din nila ang suspek sa video.
"Hiniram daw 'yung motor niya ng kaibigan niya na nagdala roon ng babae," pahayag ni PS Marsito Torreon.
Sa isinagawang follow up operation, sinsabing nakatakas umano ang suspek na nakilalang si Joel Plandino.
"Naiwan po yung ID ng pinaghihinalaan niyang nangsnatch na taga-Bacoor. Bagama't natatawa kami pare-pareho, yung TikTok pala ay nagkakatotoo minsan," ani Col. Jaime Santos.
Narito ang kabuuang detalye mula sa video ng Las Piñas City Police Station - National Capital Region Police Office na ibinahagi rin ng Inquirer.net:
Ang TikTok ang isa sa mga kilalang social media platform hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Bukod sa mga pinauuso nitong sayaw, madalas na rin umanong gamitin ang TikTok sa iba pang makabuluhang bagay tulad ng live selling at mga tinatawag na life hacks na nakatutulong umano sa pang-araw araw na buhay.
Maging ang mga kilalang artista ay mapapanood sa TikTok. Isa na rito si Andrea Brillantes na mayroon nang 19.7 million followers sa naturang platform.
Kamakailan lamang nga ay naging usap-usapan ang TikTok video ni Marian Rivera na tumabo sa mahigit 7.4 million followers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh