Ogie D, naawa sa ilang baguhang babaeng artista: "Gusto ko kayong pangaralan mga hija"

Ogie D, naawa sa ilang baguhang babaeng artista: "Gusto ko kayong pangaralan mga hija"

- Aminadong naawa umano si Ogie Diaz sa mga baguhang artista na babae

- Ang kanyang tinutukoy ay iyong mga napapasabak sa mga roles na tila hindi angkop sa kanilang pagsisimula sa showbiz

- Ani Ogie, nais niya itong pangaralan na hindi iyon ang magiging daan upang mapadali ang kanilang pagsikat sa showbiz

- Ang masaklap pa umano sa pangyayari, ang ilan sa mga artistang babaeng ito ay hindi pa rin umano nakikilala ang mga pangalan kahit nakailang pelikula na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong nakaramdam umano ng awa si Ogie Diaz sa mga baguhang artistang babae na pagpapaseksi umano ang naging paraan sa pag-aakalang mapapadali ang pagkilala sa kanila sa showbiz.

Ogie D, naawa sa ilang baguhang babaeng artista: "Gusto ko kayong pangaralan mga hija"
Ogie Diaz (Ogie Diaz Facebook)
Source: Facebook

"Alam mo naaawa ako sa mga girls. 'Yung mga wannabe's yung mga gustong maging aktres. Feeling nila 'yun ang magiging daan magiging stepping stone nila towards stardom," panimula ni Ogie.

Read also

Biktima ng agaw-CP, nakuha naman ang motor ng suspek dahil umano sa TikTok

"Naku hindi totoo yan. Sa mga panahon ngayon, hindi totoo yan maniwala kayo sa'kin. Hindi ganoon kabilis na kapagka-nagpaseksi kayo ay pwede na kayong Rosanna Roces," giit pa niya.

Nais niya sanang pangaralan ang mga baguhang ito at nagbigay payo rin siya sa iba pang maaring gawin ng mga ito upang makilala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Gusto ko kayong pangaralan mga hija ha? 'Di ganoon kadali ang mag-artista sa panahon ngayon. Mas maganda kung mayroon kayong ganoon (turo sa mukha) at marunong kayong gumanon (senyas ng pagsasalita) 'di ba? magTikTok kayo, mag-FB kayo," Gumawa kayo ng ibang viral na ganun-ganun."

"Ang tagal na nilang gumagawa ng ganoong eksena, hindi pa rin sila kilala ng tao," nalulungkot na nasabi ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Ed Caluag, ipinaliwanag ang umano'y lalaking nakita ni Aiko Melendez: "Attracted siya sa'yo"

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at popular na host ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update.

Isa nga sa natalakay nina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs sa kanyang channel ay ang tungkol sa kontrobersyal na video nina Piolo Pascual at Darren Espanto kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na nagsasayaw. Nabigyan umano ito ng malisya ng ilang netizens kaya't agad niyang dinipensahan ang dalawa.

Matatandaang minsan na rin nagpaalala si Ogie Diaz sa ibang mga baguhang artista pagdating naman sa kanilang pag-arte. Ang ilan, pinayuhan niyang dumaan sa acting workshops upang mas mahasa ang kanilang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel