Rendon Labador, tinawag ang pansin ng PSA para ipaliwanag ang nakitang mga National ID sa basurahan
- Tinawag ni Rendon Labador ang pansin ng ahensiyang nangangasiwa sa pagpapapagawa ng National ID
- Ito ay matapos ang paglabas ng video kung saan ilang mga National ID ang umano'y nakita sa basurahan
- Aniya, sa tagal ng pag-aantay ng mga tao na matanggap ang National ID ay nakakadismaya na makitang nasa baasurahan lang ito
- Hiniling niya na magsalita at magpaliwanag ang ahensiya kaugnay dito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan ni Rendon Labador ang video kung saan nakita umano ang ilang National ID na nakita sa basurahan. Aniya, sa tagal ng pag-aantay ng mga tao na matanggap ang National ID ay nakakadismaya na makitang nasa basurahan lang ito.
Hiniling niya na magsalita at magpaliwanag ang ahensiya kaugnay dito. Dagdag pa niya, inabala ang mga tao na i-require na kumuha ng National ID kaya nakakadismaya ang makitang nasa basurahan ang ilang mga ID.
Hinikayat niya rin ang aniya'y kapwa niya influencer na kalampagin ang mga ahensiya ng gobyerno para maitama ang mali.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Source: KAMI.com.gh