Bulkang Bulusan, muling nag-alboroto; ilang lugar sa Sorsogon nabalot muli ng abo
- Muling nagkaroon ng aktibidad ang Bulkang Bulusan ngayong Hunyo 12 ng madaling araw
- Ilang larawan at video ang nakuha sa muling pagbuga ng usok at abo ng Bulusan na bumalot sa ilang lugar sa Sorsogon
- Dahil dito, sinuspinde na ang klase sa mga apektadong lugar lalo na at marami-raming residente ang pinayuhang lumikas
- Matatandaang Hunyo 4 nang muli itong mag-alboroto at nagbuga ng makakapal na usok.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Binalot muli ng makakapal na alikabok at abo ang ilang barangay sa Sorsogon nang muling magkaroon ng aktibidad ang Bulkang Bulusan ngayong Hunyo 12.
Nalaman ng KAMI na bandang 3:37 ng madaling araw ng magkaroon muli ng tinatawag na phreatic eruption ang Bulusan ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Tumagal ito ng nasa 18 minuto.
Dahil dito, halos zero visibility muli ang ilang lugar sa kapal ng abo at alikabok. Matatandaang Hunyo 4 nang maitala ang unang pag-alboroto muli ng Bulusan. Sa tindi ng Ashfall, umabot pa ito sa Legazpi City, Albay ayon sa Philippine Daily Inquirer.
Dahil dito, kinansela na ang klase sa private at public schools ng Juban, Sorsogon sa Lunes Hunyo 13. Ilang mga residente na rin kasi ang inabisuhang lumikas na muna gayung sunod-sunod ang aktibidad ng Bulusan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang ilan pang larawang kuha sa Brgy. Bacolod, Juban ngayong araw mula sa Manila Bulletin:
Ang Mount Bulusan ay isang stratovolcano na matatagpuan sa Sorsogon sa rehiyon ng Bicol. Huli itong naitala na sumabog noong taong 2017.
Bukod sa Taal, Mayon at Kanlaon, isa rin ang Bulusan sa madalas tutukan ng Phivolcs sa posibilidad nito na pagsabog.
Samantala, nito lamang Marso 27 itinaas muli sa alert level 3 ang Bulkang Taal dahil umano sa magmatic activity ng bulkan sa loob ng dalawang linggo. Bahagyang nangamba muli ang ilang residenteng malapit sa Taal base na rin sa naranasan nila noong 2020 kung saan kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan. At ngayon, makalipas ang nasa dalawang taon, muli na naman itong nagpaparamdaman ng posibleng pag-alboroto.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, Noong 2020 din, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Source: KAMI.com.gh