Pagbuga ng makakapal na usok ng Bulusan Volcano, sapul sa video
- Nakunan ng video ang pagbuga ng makakapal na usok mula sa Mt. Bulusan sa Sorsogon
- Nangyari ito bandang 10:30 ng umaga at tumagal ng halos 20 minuto
- Ayon sa Phivolcs, mula alert level 0 o normal, itinaas sa alert level 1 ang Bulusan dahil sa pag-alboroto nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- Sa nakuhang video, makikita ang ashfall at halos zero visibility sa malalapit na lugar sa bulkan
Gumulantang sa publiko ang biglaang pag-alboroto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon ngayong Hunyo 5.
Nalaman ng KAMI na bandang 10:37 ng umaga ngayong Linggo, tumagal ng nasa 17 na minuto ang pagbuga ng makakapal na usok dahilan para makaranas ng insidente ng pagkakaroon ng ash fall sa Barangay Cogon sa Irosin, Sorsogon.
Sa ilang mga video ng netizen, makikita ang matataas na halos itim na usok na ibinubuga ng Bulusan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa inilabas na pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula alert level 0, itinaas sa alert level 1 ang nangyaring pag-alboroto na ito ng nasabing bulkan.
Ito ay sa kabila ng ilang mga lugar na nakaranas ng zero visibility sa kapal ng abong mula sa Bulusan.
Alinsunod dito, inihahanda na rin umano ang paglikas ng ilang residente at pagpapaalalang huwag nang lalapit ng hanggang apat na kilometro mula sa nasabing Bulkan.
Patuloy ang pag-monitor ng Phivolcs sa mga susunod na aktibidad ng Bulkang Bulusan.
Narito ang ilang video ng aktwal na mga kaganapan sa pag-alboroto ng Bulusan na ibinahagi ng ABS-CBN ay One PH:
Ang Mount Bulusan, ay isang stratovolcano na matatagpuan sa Sorsogon sa rehiyon ng Bicol. Huli itong naitala na sumabog noong taong 2017.
Bukod sa Taal, Mayon at Kanlaon, isa rin ang Bulusan sa madalas tutukan ng Phivolcs sa posibilidad nito na pagsabog.
Samantala, nito lamang Marso 27 itinaas muli sa alert level 3 ang Bulkang Taal dahil umano sa magmatic activity ng bulkan sa loob ng dalawang linggo. Bahagyang nangamba muli ang ilang residenteng malapit sa Taal base na rin sa naranasan nila noong 2020 kung saan kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan. At ngayon, makalipas ang nasa dalawang taon, muli na naman itong nagpaparamdaman ng posibleng pag-alboroto.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, Noong 2020 din, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Source: KAMI.com.gh