Angel Locsin, ipinasilip ang nabiling Lake House malapit sa location ng 'The General's Daughter'

Angel Locsin, ipinasilip ang nabiling Lake House malapit sa location ng 'The General's Daughter'

- Ipinakita ni Angel Locsin ang nabili niya noong Lake House malapit sa naging lokasyon ng 'THe General's Daughter

- Humingi pa siya ng payo sa kanyang viewers sa kung ano ang maari niyang gawing ayos o disenyo ng rest house

- Iyon na rin ang oras ng kanyang pagpapahinga sa buhay siyudad

- Isa si Angel sa mga artistang hinahangaan dahil sa kabutihan ng kanyang puso na agarang nagpapaabot ng tulong sa kapwa Pinoy lalo na sa oras ng sakuna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasilip ni Angel Locsin ang napakaganda niyang Lake House na nabili malapit sa lokasyon ng kanyang naging teleserye ang 'The General's Daughter' sa Caliraya.

Angel Locsin, ipinasilip ang nabiling Lake House malapit sa location ng 'The General's Daughter'
Angel Locsin (The Angel and Neil Channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nang makita ni Angel ang lugar, nais na niya talagang makapunta-punta roon ng madalas kaya naman naisipan niyang bumili ng property sa nasabing lugar.

"Nung nag-taping kami dito gandang-ganda ako, tapos parang gusto ko ng property dito. Parang sobrang peaceful, kumuha na ako," masayang ibinahagi ni Angel.

"Habang sumasabit ako kung saan-saan dito nung nag-eeksena kami as Rhian Bonifacio"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinakita rin ni Angel ang naging mismong lokasyon ng taping nila ng The General's Daughter.

"Diyan ako na-in love sa Caliraya," dagdag pa ni Angel.

Humingi rin sila ng payo sa kanilang viewers sa kung ano ang magandang gawin sa kanilang Lake house.

"Iniisip pa namin kung ire-renovate 'to o ibebenta, so kung may suggestions kayo... o kung paano ba idi-design, o aayusin so let me know... comment lang," ani Angel at ng kanyang mister na si Neil Arce.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel nilang The Angel and Neil Channel:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit agarang pagtulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad.

Dahil dito, kamakailan lang ay nabigyang puri na naman siya ng batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin sa programa nitong Showbiz Now Na!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel