Catriona Gray, nag-lava walk sa Miting de Avance ng Leni-Kiko tandem sa Makati

Catriona Gray, nag-lava walk sa Miting de Avance ng Leni-Kiko tandem sa Makati

- Nag-lava walk si Catriona Gray sa entablado ng Miting de Avance ng Leni-Kiko tandem sa Makati

- Sinurpresa ni Catriona ang mga Kakampink na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakiisa isa sa rally ni VP Leni Robredo, Senator Kiko Pangilinan at ng Tropang Angat

- Nagbigay din ng mahalagang mensahe si Catriona, karagdagan sa kanyang video na nag-viral patungkol sa pagsuporta niya kina VP Leni at Senator Kiko

- Matatandaang binusisi umano at aminadong nagsaliksik talaga si Catriona patungkol sa mga kandidatong susuportahan niya lalong-lalo na sa mga pinakamataas na posisyon sa bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napa-Lava walk si Catriona Gray sa entablado ng Miting de Avance ng Robredo-Pangilinan tandem sa Makati City ngayong Mayo 7, dalawang araw bago ang eleksyon sa May 9.

Catriona Gray, nag-lava walk sa Miting de Avance ng Leni-Kiko tandem sa Makati
Miss Universe 2018 Catriona Gray (@catriona_gray)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa si Catriona sa mga karagdagang personalidad na sumampa na rin sa entablado ng mga Kakampink para iparinig ang kanilang boses kung bakit nila sinusuportahan sa kandidatura sa pagka-pangulo ni VP Leni Robredo gayundin sa pagka-bise presidente.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Agad na nagpasalamat si Catriona sa pagkakataong ibinigay sa kanya at humarap sa 450,000 na mga dumalo sa pinakahuling pagtitipon para sa kampanya ng mga Kakampink.

Muling nagbigay ng makabuluhang mensahe ang Miss Universe 2018 bilang karagdagan sa kanyang mga naibahagi sa viral video niya bilang pag-anunsyo sa napili niyang pangulo na susuportahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan na naibahagi rin ng Philippine Sta:

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Noong Abril 18, gumulantang sa publiko ang pag-anunsyo ni Catriona lalo na at hayagan niyang nasabi na sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang kanyang napiling ihalal sa pagka-pangulo at bise presidente sa darating na eleksyon.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Ayon kay Catriona, binusisi niya ang kalidad ng isang mahusay na pinuno ng bansa at naglaan umano siya ng oras na mag-research ukol dito.

Tulad ni Catriona, maging si Pia Wurtzbach na nakaboto na umano sa Dubai ay si Vice President Leni Robredo ang pinili sa pagka-pangulo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica