Taal volcano, Alert level 3 na; paglikas mula sa high-risk area, inirekomenda
- Itinaas na sa alert level 3 ang estado ng Bulkang Taal ngayong umaga ng Marso 26
- Ito ay dahil sa 'magmatic' unrest nito na siyang dahilan ng pagbuga nito ng maputing usok
- Sa pagtaas ng alert level, pinayuhan nang lumikas ang mga residenteng malapit sa bulkan
- Nasa pitong mga barangay ang nabanggit ng Phivolcs ng agarang paglikas para sa kanilang kaligtasan at pag-iingat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Itinaas na sa Alert level 3 ang kasalukuyang estado ng Bulkang Taal ngayong umaga ng Marso 26.
Nalaman ng KAMI na naglabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) kaugnay sa patuloy na pagbuga ng puting usok mula sa nasabing bulkan.
Kaya mula sa alert level 2, itinaas na nila ito sa alert level dahil umano sa 'magmatic unrest' ng naturang Bulkan.
Dahil dito, pinayuhan na rin ng Philvolcs ang mga residente ng nasa pitong mga barangay na malapit sa bulkan na magsilikas na para sa kanilang kaligtasan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"PHIVOLCS strongly recommends Taal Volcano Island and high-risk barangays of Bilibinwang and Banyaga, Agoncillo and Boso-boso, Gulod and eastern Bugaan East, Laurel, Batangas Province be evacuated due to the possible hazards of pyroclastic density currents and volcanic tsunami should stronger eruptions subsequently occur."
"The public is reminded that the entire Taal Volcano Island is a Permanent Danger Zone (PDZ), and entry into the island as well as high-risk barangays of Agoncillo and Laurel must be prohibited. All activities on Taal Lake should not be allowed at this time."
Samantala, narito naman ang maiksing video ni Patick De Jesus kung saan makikita ang pagbuga ng usok mula sa Bulkang Taal na naibahagi rin ng PTV.
Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.
Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan. At ngayon, makalipas ang nasa dalawang taon, muli na naman itong nagpaparamdaman ng posibleng pag-alboroto.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, Noong 2020 din, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Source: KAMI.com.gh