Lolo Narding, tatlong beses nag-apologize sa kapitbahay, base sa barangay record
- Si Lolo Narding ay humingi na pala ng tawad tatlong beses dahil sa umano’y pamimitas ng manga sa puno na hindi niya pagmamay-ari
- Nalaman ito ng Inquirer dahil sa records ng Barangay Bantog sa Pangasinan ukol sa kaso ni Lolo Narding
- Ang unang apology ni Lolo Narding sa kapitbahay na si Robert Hong ay naganap noong Abril pa ng nakaraang taon
- Ipinangako rin ni Lolo Narding kay Hong na hindi na siya muling mamimitas ng mangga sa nasabing puno
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Lolo Narding, o Leonardo Flores, ay humingi na pala ng tawad tatlong beses sa kapitbahay na nagpa-detain sa kanya dahil sa umano’y pamimitas ng mangga sa puno na hindi niya pagmamay-ari.
Ito ay base sa records ng Barangay Bantog sa Pangasinan, ayon na rin sa ulat ng Inquirer.
Naganap daw ang unang apology ni Lolo Narding sa kapitbahay na si Robert Hong noong Abril pa ng nakaraang taon.
Sinabi ni Hong kamakailan na apology lamang ang gusto niya kay Lolo Narding pero base sa barangay records ay naibigay na raw ito ni Lolo Narding ilang beses na.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon din sa nasabing barangay record, ipinangako rin ni Lolo Narding kay Hong na hindi na siya muling mamimitas ng mangga sa nasabing puno.
Sa report naman ng GMA News, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nagkaayos na raw si Lolo Narding at Hong matapos maging kontrobersyal ang kanilang isyu.
Binigyan naman ng negosyo package ng actor na si Wendell Ramos si Lolo Narding, ayon sa report ng Bandera.
Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim.
Maraming naawa kay Lolo Narding lalo na’t 84 years old na siya at isang linggo pa siyang nakulong.
Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.
Samantala, parami nang parami ang mga taong nais na magpaabot ng tulong kay Lolo Narding. Ilan sa mga ito ay sina Ryza Cenon, Xian Gaza at ang negosyante at vlogger na kilala sa pagtulong na si Shiwen Lim ng Sabrinacio Clothing and Footwear.
Source: KAMI.com.gh