Ogie Diaz sa madalas gawin noon ni Mavy sa GF na si Ashley sa PBB: "Nakakakilig nga 'yan"
- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa nag-viral na ginagawa ni Mavy Legaspi sa girlfriend niyang si Ashley Ortega sa loob ng PBB house
- Naging usap-usapan ito dahil makailang beses na nakitang ginawa ito ni Mavy sa nobya
- Samantala, hindi namang nagtagal sa bahay ni kuya si Mavy na isa sa mga host ng naturang edisyon
- Makasaysayan ang Pinoy Big Brother celebrity collab edition na ito na unang pagkakataong nagsama ang mga Kapuso at Kapamilya stars
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa bagong episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, natalakay nila ang madalas na gawin ni Mavy Legaspi sa kanyang nobyang si Ashley Ortega sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Source: Facebook
Matatandaang pansumandaling nanatili si Mavy sa loob ng bahay ni kuya ngunit 'di nagtagal ay lumabas din gayung isa siya sa mga host ng kasalukuyang edisyon.Matatandaang pansumandaling nanatili si Mavy sa loob ng bahay ni kuya ngunit 'di nagtagal ay lumabas din gayung isa siya sa mga host ng kasalukuyang edisyon.
Sa sandaling pagsasama nila ni Ashley sa loob ng bahay ni Kuya, napansin ng mga tagapanood na nadadalas ang pag-amoy ni Mavy ng kili-kili ng nobya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napakomento si Ogie Diaz ukol dito,
"May mga ganung lalake. Walang pakialam kung ano ang ginagawa niya," aniya.
"Okay na yung kili-kili, payagan niyo na," dagdag pa niya."Okay na yung kili-kili, payagan niyo na," dagdag pa niya.
Matatandaang isa rin ito sa mga nagagawa noong paglalambing ni Daniel kay Kathryn noong sila ay magkasintahan pa.
"Aminin mo. Si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noon. Gustong-gustong sinasamyo ni Daniel 'yung kili-kili ni Kathryn."
Hindi na rin dapat na magulat pa ang mga tao gayung nakakakilig pa nga raw ito.
"Huwag na tayong ma-shock sa mga ganyan. Nakakakilig nga 'yan."
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie ukol dito:
Masasabing makasaysayan ang Pinoy Big Brother Celebrity collab edition ngayong taon dahil ito ang kauna-unahag pagkakataon na nagkasama ang mga Kapamilya at Kapuso stars sa tanyag na bahay ni Kuya.
Maging ang mga host na sina Bianca Gonzalez, Melai Francisco, Kim Chiu, Enchong Dee, Robi Domingo ay nadagdagan ng Kapuso hosts na sina Gabbi Garcia at Mavy Legazpi.
Samantala, sa umpisa pa lang ng nasabing edisyon nagawa na ng isa sa mga celebrity housemates na si Ashley Ortega na magbahagi ng kanyang kwento sa guest housemate na si Ivana Alawi.
Inamin ni Ashley na nasa tatlong taon na silang hindi nag-uusap ng kanyang ina. Masasabi niyang mag-isa lamang siya sa mga panahong iyon subalit umaasa rin na magkakausap sila ng ina. Aniya, baka ang PBB pa umano ang maging daan ng inaasam niyang pag-uusap nila. Halos hindi makapaniwala si Ivana na tatlong taon nang walang komunikasyon si Ashley sa ina lalo na at kilala si Ivana na malapit sa pamilya lalo na sa kanyang "Mama Alawi".
Aniya, baka magkaroon umano siya ng anxiety kung hindi makausap ang ina na lagi niyang isinasapubliko ang pagmamahal at pagmamalasakit para rito.
Nito lamang Marso 15 ay tuluyan nang lumabas ng bahay ni Kuya si Ivana na ginulat ang mga housemates nang sabihing isa lamang umano siyang house guest. Gayunpaman, napagtagumpayan nila ang niatang sa kanilang task dahilan upang makatulong sa napili nilang charity.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh