Joey De Leon: "Mahal namin ang It's Showtime... 'Wag niyo kami pagsabungin"

Joey De Leon: "Mahal namin ang It's Showtime... 'Wag niyo kami pagsabungin"

- Tila may pakiusap si Joey De Leon sa publiko patungkol sa kontrobersiyang kinakaharap ng 'Eat Bulaga'

- Nasabi rin niya na mahal niya ang 'It's Showtime' na siyang katapat nilang noontime show mahigit isang dekada na

- Kamakailan, napabalitang magtatapos na rin umano ang longest-running noontime show sa bansa

- Agad naman itong pinabulaanan ng TVJ na naglabas ng kanilang pahayag kamakailan

May pakiusap si Joey De Leon sa publiko kaugnay sa kontrobersiya pilit na idinidikit sa kanila ng It's Showtime.

Joey D
Joey De Leon: "Mahal namin ang It's Showtime... 'Wag niyo kami pagsabungin" (@angpoetnyo)
Source: Instagram

Sa ngayon kasi, ang kanilang programang Eat Bulaga at noontime show nina Vice Ganda ang magkasabay na mapapanood sa telebisyon at maging online tuwing tanghali.

Sa kanyang Instagram video, naglabas ng saloobin si Joey.

"Ang pinapatungkulan namin ni Tito ay 'yung mga nagpo-post na magsasara na kami. dadalawa na lang yung show, isasara pa 'yong isa?"

Read also

Heart Evangelista, nagbahagi ng advice sa mga taong nakakaranas ng pamba-backstab

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paglilinaw ni Joey patungkol sa nauna na niyang pahayag kung saan pinabulaanan niyang tuluyan nang magtatapos ang longest-running noontime show dahil sa napapabalitang nalulugi na raw ito.

"Kaya hinamon ko 15 years kung tatagal 'yung mga nag po-post na 'yon, hindi It's Showtime," dagdag pa niya.

Sinabi rin nitong mahal niya ang programa nina Vice Ganda at binati rin niya ito sa kanilang anibersaryo.

"Mahal namin ang It's Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na nga lang kami, 'wag niyo na kami pagsabungin."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang Instagram na @angpoetnyo:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Diwata, inaresto dahil sa kasong slight physical injuries

Halos mag-iisang taon na ang nakalipas nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Makalipas ang isang linggo, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1 naman nang nakaraang taon, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Kalaunan, nakuha nilang muli ang pangalan ng progama na Eat Bulaga habang ang naiwang noontime show sa GMA ay napangalanan namang 'Tahanang Pinakamasaya.' Hindi nagtagal, tuluyan nang nabuwag ang nasabing programa. At nito lamang April 6, pormal nang nagsimulang isa-ere ang It's Showtime bilang isang noontime show sa GMA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica