MUPH 2024 Cebu Mary Josephine Paaske, proud na ibinandera ang tirahan nila ng pamilya niya
- Pumukaw sa atensyon ng maraming netizens ang post ng Miss Universe PH Cebu Mary Josephine Paaske
- Ibinahagi niya ang tungkol sa kanyang simpleng pamumuhay sa kanilang tirahan sa Cebu
- Aniya, marami ang nag-aakalang lumaki siya sa marangyang buhay lalo at biracial siya
- Naibahagi niya rin na sa kabila ng mga hamon sa buhay ay wala sa bukabularyo niya ang magreklamo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binahagi ni Miss Universe PH Cebu Mary Josephine Paaske na inakala ng marami na lumaki siya sa marangyang buhay lalo at biracial siya. Sa kanyang post ay naibahagi niya ang tungkol sa kanilang simpleng pamumuhay.
Aniya, nagkaroon ng mental health challenges ang ama niya kaya kinailangan niyang tulungan ang kanyang ina at naging breadwinner siya. Nagtrabaho daw siya sa farm.
Aniya, gawa man sa light materials ang bahay nila ay marami siyang kwento na nabuo sa kanilang bahay.
Currently our house is made of light marterials. It’s not lavish but I have many stories to tell from our house that has empowered me as a woman now. We share it with our extended family, finding comfort and support together amidst adversities.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang "Miss Universe Philippines" ay isang beauty pageant na nagsisilbing pambansang patimpalak sa Pilipinas para sa pagpili ng kinatawan ng bansa sa prestihiyosong Miss Universe pageant. Ito ay isa sa mga pinakakilalang beauty pageant sa Pilipinas at mahalaga sa kultura ng bansa. Ang Miss Universe Philippines ay naglalayong maghanap at magbigay ng oportunidad sa mga magagandang Pilipina na maging ambassadress ng kagandahan, kultura, at adbokasiya sa buong mundo.
Matatandaang si Michelle Dee ang huling naging pambato ng Pinas sa Miss Universe. Nagpapasalamat raw siya sa malakas at mainit na suporta sa kanya ng mga kababayan. Sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang show na "Fast Talk with Boy Abunda", sinagot ni Michelle ang mga katanungan ni Boy. Aniya, nasaktan siya nang hindi makapasok sa Top 5 at sa katunayan ay naiyak pa siya sa banyo. Naniniwala siyang handa siya sa top 5 dahil sa kanyang naging paghahanda sa question and answer.
Nilinaw naman ni Michelle na walang katotohanan ang usap-usapan na siya ang papalit bilang national director ng Miss Universe Philippines. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, naitanong sa kanya kung tatanggapin daw ba niya ang posisyon sakaling alukin siya. Aniya, sa kasalukuyan ay hindi dahil aniya ay naniniwala siyang nasa magandang pamamalakad ang MUP. Kasalukuyang si Shamcey Supsup ang Shamcey Supsup-Lee ng Miss Universe Philippines.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh