Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP

Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP

- Nilinaw ni Michelle Dee na walang katotohanan ang usap-usapan na siya ang papalit bilang national director ng Miss Universe Philippines

- Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, naitanong sa kanya kung tatanggapin daw ba niya ang posisyon sakaling alukin siya

- Aniya, sa kasalukuyan ay hindi dahil aniya ay naniniwala siyang nasa magandang pamamalakad ang MUP

- Kasalukuyang si Shamcey Supsup ang Shamcey Supsup-Lee ng Miss Universe Philippines

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang pinabulaanan ni Michelle Dee ang usap-usapan na siya na raw ang papalit na national director ng Miss Universe Philippines. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi niyang gusto lang niyang i-enjoy ang mga binibigay sa kanyang oportunidad.

Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP
Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP
Source: Instagram
I'm just going to debunk it. I am not the new national director of Miss Universe Philippines.

Read also

Jennica Garcia, napasigaw sa prank sa kanya ni Robi Domingo

Nabanggit din niyang may ilalabas na exciting na announcement.

Nang matanong naman kung tatanggapin niya sakaling ialok ito sa kanya sinabi niyang sa ngayon ay hinpa pa dahil naniniwala siyang mahusay ang mga namamahala sa MUP at gusto lang daw niyang i-enjoy ang mga oportunidad na binibigay sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa kabila ng mga reaksiyon sa lumabas na video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip. Sa halip na magreklamo ay nanatiling positibo ang mensaheng kanyang pinarating lalo na sa kanyang supporters na hindi natuwa sa video. Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang pairalin ang 'love, empathy at kindness. Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma sa naturang video.

Binahagi ni Rhian Ramos ang isang video reel kung saan makikitang magkasama sina Michelle at ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip. Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa video na ibinahagi ng Instagram page na may handle na @forthephilippines. Aniya, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on." Base sa mga komento, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate