Eat Bulaga theme song, muling kinanta sa EAT ng TVJ: "Buong bansa... Eat Bulaga!"
- Muli na namang nakanta ng Tito, Vic and Joey ang orihinal na theme song ng "Eat Bulaga"
- Ito ay isang araw matapos na matanggap ni Tito Sotto ang email na naglalaman ng magandang balita para sa kanila
- Pinaburan ng korte ang TVJ sa kaso laban sa TAPE Inc. at maging sa GMA
- Kaya naman mananatiling kina Tito, Vic at Joey ang 'Eat Bulaga' at anumang may kaugnayan dito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ngayong Enero 6, isang araw matapos na matanggap ni Tito Sotto ang isang magandang balita sa kanyang email, muli nilang nagamit ang mga linyang "Isang libo't, isang tuwa... buong bansa, Eat Bulaga"
Kapansin-pansin ang logo ng 'Eat Bulaga' sa mga suot na t-shirt ng mga Dabarkads.
Sa kanilang pagbubukas ng noontime show na E.A.T., matatandaang pareho ang tono at maging ilang mga liriko ng awitin subalit hindi binabanggit ang salitang Bulaga.
Subalit ngayon, malaya na muli nila itong nakakanta matapos na matanggap ni Tito Sen ang email noong hapon ng Enero 5 na naglalaman ng desisyon ng korte kaugnay sa kaso nila laban sa TAPE Inc. at maging sa GMA.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bahagyang binasa ni Tito Sen ang nilalaman ng naturang email, at mapapansing naluluha ang tatlo habang naririnig ito.
"Wherefore, judgment is hereby rendered in favor of the plaintiffs against the defendants. Ang plaintiffs po Tito, Vic and Joey..."
Na agad namang sinundan ni Vic ng, "Sa madaling salita... nanalo po tayo."
Narito ang ilang mga masasayang kaganapan sa E.A.T. matapos matanggap ang magandang balita sa kanila sa pagbubukas ng taong 2024.
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. At noong June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Matatandaang noong Disyembre 5, 2023, nagkaroon ng press conference ang E.A.T. na pinangungunahan nina Tito, Vic at Joey kaugnay sa ibinabang desisyon ng intellectual property office, bureau of legal affairs patungkol sa Eat Bulaga. Doon nasasaad na hindi raw napatunayan ng TAPE kung paano nila nabuo ang "Eat Bulaga" kaya pumabor sa TVJ ang desisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh