TVJ, emosyonal na ibinahagi ang hatol ng korte: "Sa madaling salita, nanalo po tayo"

TVJ, emosyonal na ibinahagi ang hatol ng korte: "Sa madaling salita, nanalo po tayo"

- Emosyonal na humarap sina Tito, Vic at Joey sa publiko upang ibahagi ang natanggap nilang email

- Ito ay patungkol umano sa naging hatol ng korte sa 'Eat Bulaga' na pumapabor sa kanila

- Binasa ni Senator Tito ang ilang mahahalagang bahagi ng naturang email na sa makatuwid ay sa kanila umano ang 'Eat Bulaga'

- Bago matapos ang anunsyo, kinanta muli nila ang theme song ng 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naluluha pang nag-live online sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon upang i-anunsyo ang mahalagang mensaheng natanggap nila ngayon Enero 5.

TVJ, emosyonal na ibinahagi ang hatol ng korte: "Sa madaling salita, nanalo po tayo"
TVJ, emosyonal na ibinahagi ang hatol ng korte: "Sa madaling salita, nanalo po tayo" (TVJ)
Source: Facebook

"At exactly 4:23 ng hapon. Kani-kanina lang, mainit init pa, ay nakatanggap po si Tito Sen ng isang email at ito po'y may kinalaman po sa desisyon ng korte tungkol po sa Eat Bulaga," ang bungad ni Vic sa Facebook live ng TVJ.

Read also

EB theme song, muling kinanta sa E.A.T ng TVJ: "Buong bansa... Eat Bulaga!"

Ibinahagi ni Tito Sen ang nilalaman ng naturang email patungkol sa Eat Bulaga na umano'y pumapabor sa kanila.

"Wherefore, judgment is hereby rendered in favor of the plaintiffs against the defendants. Ang plaintiffs po Tito, Vic and Joey..."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa madaling salita... nanalo po tayo," ayon pa kay Vic.

"Pinaningan po ng korte 'yung ating sinasabi na tayo po ang may-ari ng Eat Bulaga"

Dahil dito, taos pusong nagpasalamat ang tatlo sa lahat ng sumuporta sa kanilang laban na ito.

"Maraming salamat sa inyong pagtangkilik, maraming salamat sa inyong mga dasal, unang-una sa lahat sa Panginoong Diyos, Thank you very much my dear Lord God."

"Sa madaling salita, atin talaga ang Eat Bulaga," giit pa ni Vic.

Narito ang kabuuan ng kanilang anunsyo:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. At noong June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Matatandaang noong Disyembre 5, 2023, nagkaroon ng press conference ang E.A.T. na pinangungunahan nina Tito, Vic at Joey kaugnay sa ibinabang desisyon ng intellectual property office, bureau of legal affairs patungkol sa Eat Bulaga. Doon nasasaad na hindi raw napatunayan ng TAPE kung paano nila nabuo ang "Eat Bulaga" kaya pumabor sa TVJ ang desisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: