Ogie D sa umano'y mababang views ng isang teleserye: "Kasi nga di umaangat yung istorya"

Ogie D sa umano'y mababang views ng isang teleserye: "Kasi nga di umaangat yung istorya"

- Nabigyang komento ni Ogie Diaz ang isang teleserye na sumasaere ngayon

- Hindi niya naiwasang maihambing ito sa milyon-milyong views ng "FPJ Batang Quiapo" na umano'y humahataw gabi-gabi

- Isa sa nakikita niya umanong dahilan ay ang hindi raw pag angat ng istorya ng hindi niya pinangalanang serye

- Ayon din kay Ogie maari rin namang sa free TV ay bumabawi sa rating ang naturang serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang tungkol umano sa isang serye na hindi umaangat ang views.

Ogie D sa umano'y mababang rating ng isang teleserye: "Kasi nga di umaangat yung istorya"
Ogie Diaz (Ogie Diaz Facebook)
Source: Facebook

Una niyang nabanggit ang milyon-milyong views online ng FPJ Batang Quiapo na hindi niya naiwasang maihambing sa hindi niya pinangalanang teleserye.

"'Yung 3 parts na yun, diyos ko po! Inaabot ng 2 million views in one day. imaginin mo yun?" ani Ogie tungkol sa FPJ Batang Quiapo.

Read also

Joshua Garcia, dinipensahan ni Ogie D: "Mabilis lang siyang nakakahanap"

"Tapos may napanood akong teleserye, o hindi ko na babanggitin kung ano, ang baba. Siguro 3 oras na, 18,000 (views) per hour. Tatlong oras na yun. Sabi ko, oh my God! E syempre ako naman parang feeling ko, di ko na babanggitin kung sino, Hindi ko na babanggitin kasi nga hindi umaangat yung istorya. Kung may umaakyat man na storya, normal lang nagawa na yan dati. So dapat nag-i-evolve din yung mga kwento. E yung tinutukoy ko na teleserye, hindi siya makakapit. Pero mahusay ang ibang artista," ang kanya namang pahayag ukol sa tinutukoy na teleserye.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na may posibilidad namang sa free TV humahataw sa manonood ang nasabing TV series.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Ang FPJ Batang Quiapo ang isa sa mga pinakaabangang palabas gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Pinangungunahan ito ng 'Primetime King' na si Coco Martin na kilala sa paggawa ng de kalidad na mga teleserye sa bansa. Katunayan, tumagal ng pitong taon ang nauna nitong serye na FPJ Ang Probinsyano.

Read also

Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin

Labis namang hinangaan si Miles Ocampo sa pilot episode ng Batang Quiapo. Kabi-kabilang papuri ang kanyang natanggap, mula sa netizens hanggang sa mga kapwa niya artista.

Emosyonal si Miles nang matalakay nila ito sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano. Aniya, weakness niya talaga ang masabihan ng mga magagandang salita at papuri sa kanya ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica