Paolo at ilan pang host ng E.A.T., naluha sa hinaing ni Mommy Angie sa mga anak nito

Paolo at ilan pang host ng E.A.T., naluha sa hinaing ni Mommy Angie sa mga anak nito

- Maging sina Paolo Ballesteros at iba pang mga hosts ng "E.A.T." ay hindi napigilang maluha sa hinaing ng panauhin nila sa 'Babala! 'Wag kayong ganun'

- Naikwento ng panauhin na si 'Mommy Angie' ang kanyang pamumuhay na mag-isa sa loob ng tatlong taon

- May kanya-kanya nang pamilya ang kanyang mga anak habang ang kanya namang mister ay namayapa na

- Gayunpaman, hiling sana ni Angie na mas madalas siyang madalaw ng dalawang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang talagang naluha at naantig ang puso sa hinaing ng 73-anyos na panauhin ng E.A.T na si Angie.

Paolo at iba pang mga host ng E.A.T., naluha sa hinaing ni Mommy Angie sa mga anak nito
Angie, ang panauhin sa 'Babala! 'Wag kayong ganun...' ng E.A.T. (TVJ YouTube)
Source: Facebook

Sa segment ng E.A.T na 'Babala, 'wag kayong ganun...' naibahagi ni Angie na tatlong taon na siyang namumuhay mag-isa buhat nang mamayapa ang kanyang mister.

Read also

Guest sa E.A.T., maraming napaluha dahil sa hinaing sa mga anak: "Bakit ako, dito lang?"

"I think, I have to be alone. Kasi ayaw ko namang tumira sa mga anak kasi may mga manugang 'yun so baka mapagbintangan pa akong alam mo na 'yun"

Naikwento pa niyang isa lamang kaibigan nila ang nakakaalam ng pagpunta niya sa E.A.T.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Actually, hindi alam ng mga anak na nandito ako. Ang nakakaalam lang 'yung kaibigan namin. They called up last night. Hindi talaga ako nagpaalam na nandito ako."

Kahit na mayroon siya umanong dalawang mga anak, mga busy raw ito at "once in a blue moon" na lamang daw siya bago madalaw.

"Busy sila, parang ano ba! May mga sasakyan naman kayo ba't hindi niyo ako madalaw. Nakakapunta kayo kung saan-saan, bakit ako dito lang. 'Yung lumalabas kayo parang hindi ako maalala but, hindi naman kasi ako mukhang kawawa kaya binabalewala na lang nila ako"

Read also

Carlo Aquino at Charlie Dizon, emosyonal nang mapag-usapan ang kanilang relasyon

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Angie na feeling lang niya ito na maaring tama ngunit maari rin namang mali.

Dahil sa mga naikwento na ito ng panauhin hindi talaga napigilang maluha ni Paolo Ballesteros. Kapansin-pansin din ang pagtalikod sa camera nina Allan K at Miles Ocampo na nangingilid na rin ang luha dahil sa kwento ni 'Mommy Angie.'

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa naturang segment mula sa YouTube channel ng TVJ:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Isa sa mga segment ng E.A.T. ay ang 'Babala! 'Wag kayong ganun...' na halintulad sa naging segment nila noon sa Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental' kaya naman hindi kataka-takang sinusubaybayan na rin ito ng kanilang mga tagapanood dahil na rin sa mga natutunan nila sa kwentong naibabahagi ng kanilang mga nagiging panauhin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel