Cristy sa umano'y kaso sa tatawag ng 'Fake Bulaga': "'Wag na sana 'yung mga parang nagtatakutan tayo"

Cristy sa umano'y kaso sa tatawag ng 'Fake Bulaga': "'Wag na sana 'yung mga parang nagtatakutan tayo"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa umano'y kaso na nakaabang sa mga magbabanggit pa rin ng 'Fake Bulaga' sa programang 'Eat Bulaga'

- Aniya, marami na raw siyang napanood na vlogger na natatawa sa sinasabing pagdedemandang ito

- Lumalabas na maaring humantong sa malaking bilang ito at ilang hearing ang dapat umanong puntahan ng panig ng magdedemanda

- Pakiusap na lamang umano ni Cristy na hindi na sana umano humantong pa sa takutan ang umano'y dapat na paggamit ng 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay opinyon si Cristy Fermin sa umano'y nakaabang na demenda ng TAPE sa umano'y tatawag ng 'Fake Bulaga' sa programang Eat Bulaga.

Cristy sa umano'y kaso sa tatawag ng 'Fake Bulaga': "'Wag na sana 'yung mga parang nagtatakutan tayo"
Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar at iba pang bumubuo sa Eat Bulaga (Eat Bulaga Na)
Source: Facebook

Matatandaang ito umano ang terminong ginagamit ng karamihan buhat nang lisanin nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon at kanilang kapwa hosts ang Eat Bulaga.

Read also

MTRCB Chair Lala Sotto sa gesture ng kanyang magulang sa E.A.T: "There was no violation"

Dahil dito, umagaw ito ng atensyon sa pamunuan ng programa at maging sa kanilang hosts na aminadong nasasaktan sa tuwing natatawag ng 'Fake Bulaga.'

"Saan kayo nakakita na tinawag lang kayong fake bulaga, hahantong na kayo sa demandahan. Ang tanong. Ilang katao po sa Pilipinas ang inyong kakasuhan at inyong ipakukulong dahil lamang sa pagtawag sa inyo ng fake bulaga," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ilang kaso ang inyong haharapin sa hearing. Parang ito po talaga ay nag-iimbita ng pagtatawa. Tama po na magsabi kayo na hindi dapat kayo taawaging fake bulaga lalo na at nakuha niyo na po sa IPO yung titulo na hanggang 2033 ay magagamit niyo. Sana po hanggang doon na lang. Ibinibigay naman sa inyo 'yun dahil IPO na ang nagpahayag na inyo ang titulo. IBa po ang ipinaglalaban ng Tito, Vic and Joey. Copyright naman po ang sa kanila," dagdag pa niya.

Read also

Pura Luka Vega, idineklara na ring 'persona non grata' sa Maynila

Pakiusap na lamang sana ni Cristy na hindi na sana dumating pa talaga sa demendahan ang isyung ito.

"'Wag na sana 'yung mga parang nagtatakutan tayo, na kapag tinawag naming Fake Bulaga, ang inyong programa ay madedemenda kami. 'Wag naman pong gan'un"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa programa ni Cristy Fermin, ang Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Read also

Xander Schimmer, naglalambing nang bumisita sa ina: "I want to talk to you"

Samantala, ilan sa mga pumalit na host ng Eat Bulaga sina Isko Moreno at Paolo Contis. Kamakailan, naglabas ng saloobin si Paolo sa mga nagsasabing 'Fake Bulaga'. Ayon kay Paolo, walang peke sa ipikikita nilang pagmamalasakit at pagbibigay saya sa kanilang mga manonood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: