Joey De Leon, siya umanong nag-push sa TVJ na piliin ang TV5 bilang bagong tahanan
- Si Joey De Leon umano ang kumumbinsi kay Tito at Vic para piliin umano ang TV5 bilang bago nilang tahanan
- Ito ay matapos na tuluyan na silang mamaalam sa TAPE Inc. ang producer ng programa nilang 'Eat Bulaga'
- Matatandaang si Joey ang unang nagkaprograma sa TV5 ang 'Wow Mali' na tumagal din umano ng halos nasa dalawang dekada
- Hunyo 7 nang kumpirmahin nila ang paglipat sa TV5 kasama ng iba pang mga orihinal na Dabarkads
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Si Joey De Leon umano ang nagkumbinsi kina former Senator Tito Sotto at Vic Sotto na ikonsidera ang TV5 bilang bago nilang tahanan.
Nalaman ng KAMI na ito ang unang naging tanong sa kanya nina Cheryl Cosim at Julius Babao nang magpaunlak siya ng interview sa Frontline Pilipinas.
"Ikaw daw ang nag-push para lumipat sa TV5 ang TVJ at ang Dabarkads, gaano katotoo ito?" tanong ni Julius kay Joey.
"Guilty, guilty ako diyan. Actually 'nung nagkakagulo-gulo na, sabi ko matutupad 'ata yung pangarap ko. Ang pangarap ko tungkol nalang sa history e. Tungkol sa kasaysayan. Dahil nanggaling na kami sa tatlo, Actually naging dalawa, well na-reject ng pangatlo so sabi ko matutupad ata 'yung apat, tapos siyam na presidente. Abot tayo ng 50 years. Ano ko na 'yun e, sugapa ako sa history e."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umaasa rin si Joey na sa TV5 na umano sila abutin ng kanilang 50 taon bilang TVJ ng Eat Bulaga. Ang malaking katanungan na ngayon ng publiko ay kung ano ang magiging pangalan ng programa nila sa TV5 gayung ginagamit pa rin ng TAPE Inc. sa GMA 7 ang Eat Bulaga kasama ang kanilang mga bagong host.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Joey mula sa News5 Everywhere:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc. masaya nitong inanunsyo ang paglipat nila sa TV5 na siyang bago nilang magiging tahanan. Sa ngayon, puro paghahanda ang kanila umanong ginagawa para sa bagong programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh