Allan K, unang umuwi ngunit bumalik para pumirma sa courtesy letter ayon kay Cristy
- Naibahagi rin ni Cristy Fermin ang isa sa mga detalyeng naibigay ni Tito Sotto sa mga kaganapan noong May 31 sa 'Eat Bulaga'
- Aniya, unang nakauwi noon si Allan K subalit nagawa nitong bumalik para pumirma rin sa courtesy letter na nagawa ng iba pang Dabarkads
- Sa naturang sulat, mababasa ang pamamaalam na rin umano nila sa TAPE Inc. matapos na mamaalam nina Tito, Vic at Joey
- Marami ang nakaabang sa mga susunod na kaganapan sa 'Eat Bulaga' sa paglisan ng TVJ sa Tape Inc.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ni Cristy Fermin sa YouTube program nila na Showbiz Now Na! ang tungkol sa umano'y pagpirma ni Allan K sa courtesy letter na nagawa ng iba pang mga Dabarkads noong May 31.
Nalaman ng KAMI na nakauwi na umano noon si Allan K ngunit nagawa nitong bumalik nang malamang may ginawang sulat ang mga kapwa niya host ng Eat Bulaga matapos ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vice Sotto at Joey De Leon sa producer ng kanilang programa, ang TAPE Inc.
"Nung nagpipirmahan na 'yung mga dabarkads, nakalabas na si Allan K nu'n e pero bumalik siya. Pumirma rin siya at kitang-kita natin, nasa dulo, Allan Quilantang," pagbabahagi ni Cristy ng detalyeng ito na unang naikwento ni dating senador Tito Sotto sa programa nina Tintin at Julius Babao sa News5.
Dahil dito, maituturing umano si Allan na isa sa mga tunay na nagpapahalaga noontime show na minahal ng publiko sa loob ng mahigit apat na dekada.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"So kasama siya sa mga Dabarkads na kapalapalakpak dahil meron pong pagpapahalaga, may loyalty, marunong tumanaw ng utang na loob sa Tito, Vic at Joey."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh