Cristy sa pahayag ng TAPE sa pamamaalam ng TVJ: "Tono ito ng mga tao na pikon"

Cristy sa pahayag ng TAPE sa pamamaalam ng TVJ: "Tono ito ng mga tao na pikon"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin patungkol sa opisyal na pahayag ng TAPE Inc. sa pamamaalam sa kanila umano ng Tito, Vic and Joey

- Ani Cristy, tono umano ito ng mga taong pikon at nilarawan niyang 'sarkasmo' ang mga huling salita sa naturang pahayag

- Matitindi umano ang mga salitang binitawan ng produksyon na sana'y nagpakumbaba na lamang umano sa pag-alis ng tatlo

- Sa ngayon, nakaabang ang publiko sa mga inaasahang pagbabago sa 'Eat Bulaga' ngayo't wala na sa programa ang mga host nito na namaalam na rin kasama ng TVJ

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na ngayong June 3 ay ang naging opisyal na pahayag ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) kaugnay ng pamamaalam sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Read also

Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga

Cristy sa pahayag ng TAPE sa pamamaalam ng TVJ: "Tono ito ng mga tao na pikon"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na gumulantang sa publiko ang pag-anunsyo ng tatlo kasabay ng hindi nila pag-ere ng LIVE sa GMA noong May 31.

Matapos ito, agad namang naglabas ng pahayag ang TAPE na may nilalamang "Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo’t isang tuwa na Eat Bulaga."

Tila inalmahan ito ni Cristy Fermin at nilarawan na tila pahayag umano ito ng isang taong pikon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Tono ito ng mga tao na pikon. Tono ito ng mga taong mayabang. Dapat hindi na tayo nagyayabang 'pag ganito. Nagpaalam na nga. sabi niyo nga, we were saddened. Sabi niyo nalungkot kayo sa pag-alis ng Tito, Vic and Joey. Sa unang pahayag niyo, ganun. Na nagpasalamat pa kayo sa mga panahon na pinagsaluhan niyo sa TAPE Inc. Pero sa bandang dulo, andu'n 'yung sarkasmo. Nandun 'yung hindi lang po isang libo't isang tuwa ang ibibigay namin, higit pa," paliwanag ni Cristy.

Read also

Tito Sotto sa mga ad agency matapos mamaalam sa TAPE: "marami raw nag-pullout"

"Kapag alam ko na meron akong nagawa na hindi kagandahan, at ako'y nasukol, magpapakumbaba ako. Iniwan man ako, magpapakumbaba ako. hindi 'yung magmamatigas pa ako. Tapos sarkastiko pa ang salitang bibitiwan ko 'dun sa mga umalis... Ika nga e putol na nga ang tuka niyo, bali na nga ang pakpak niya, kailangan niyo na ngang magsaklay ng mga paa niyo, pero bakit ganu'n ang ginanti niyo sa Tito, Vic and Joey? Napakatindi po niyan, niyang binitiwan niyong mga salita na 'yan. Napakaasim," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang posibleng pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga. Nangyari na ito kamakailan na labis na ikinagulat ng marami.

Read also

Tito Sotto, sa reaksyon umano ni Joey De Leon: "Mga apat na beses na umiiyak"

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demandahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: