Tito Sotto sa Eat Bulaga: "Saanman abutin basta kailangan umabot ng 50 years"
- Nabanggit ni Senato Tito Sotto na target umano ng Eat Bulaga na umabot sila ng ika-50 taon
- Sa ngayon, ika-44 na tao na ng programa sa kabila ng kontrobersiyang bumabalot dito
- Aniya, saan man sila abuting, kailangan niyang maka-kalahating sentenaryo sa pagbibigay saya sa pamilyang Pilipino
- Dahil dito, sila na ang tinaguriang longest running noontime show sa buong mundo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit ni Senator Tito Sotto na balak pa umano nilang umabot sa ika-50 taon ang Eat Bulaga.
Nalaman ng KAMI na ito umano ang plano ng TVJ o ng Tito, Vic and Joey na siya umanong haligi ng naturang programa.
"Ang target naming tatlo umabot ng 50 yun e. Umabot ng golden 50 years ang Eat Bulaga. Wherever, saanman abutin basta kailangan umabot ng 50 years 'yun," ani Senator Tito.
"Mahigit kalahati ng buhay namin... Itinaya namin dun at huwag na huwag nilang kakalimutan, lalo na 'yung nagbibintang na ginawa lang kami, gawa na kami bago pa kami pumasok ng Eat Bulaga. Kaya nga nila kami kinukuha e."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap ng programa, nilinaw niyang hindi sila galit sa mga tao sa TAPE Inc. na pagma-may ari ni Romeo Jalosjos.
"Masama ang loob namin sa nangyayari, let me just put it that way para hindi naman ako maging offensive," paglilinaw niya.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Cristy Fermin mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Inulan ng espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.
Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.
Matapos ito, kabi-kabilang interviews din ang pinaunlakan ni Senator Tito Sotto upang ibahagi naman ang panig nila bilang host ng nasabing programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh