Tito Sotto at Brightlight Productions ng 'LOL', may maganda umanong usapan

Tito Sotto at Brightlight Productions ng 'LOL', may maganda umanong usapan

- Isa sa natanong ni Cristy Fermin kay Senator Tito Sotto ay ang napag-usapan umano nila ng Brightlight Productions

- Ang nasabing production company ang nasa likod ng programang 'Lunch Out Loud'

- Ani Cristy, nadinig umano niya ang naganap na pag-uusapan nina Senator Tito at CEO ng nasabing kompanya na si Mayor Albee Benitez

- Kinumpirma naman nito ng dating senador at sinabing maganda umano ang kanilang napag-usapan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Cristy Fermin kay Senator Tito Sotto kaugnay sa kontrobersiya kinakaharap ngayon ng 'Eat Bulaga', natanong din nito ang tungkol sa naging usapan nila ng Brightlight Productions CEO na si Mayor Albee Benitez.

Tito Sotto at Brightlight productions ng 'LOL', may maganda umanong usapan
Ang TVJ kasama ang mga 'Dabarkads' (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagulat pa umano si Senator Tito Sotto nang matanong agad ito ni Cristy lalo na at naganap lamang ang naturang pulong noong gabi bago naman naganap ang kanilang interview.

Read also

Tito Sotto, sinabing sumama umano ang loob nina Vic at Joey: "galit na galit"

"Galing mo naman, kagabi lang 'yun... Maganda ang pinag-uusapan namin, maganda ang offer. I will not speak beyond that, 'yun yung pinag-usapan naming tatlo kagabi," ayon sa dating senador na isa sa tatlong haligi ng Eat Bulaga na 'Tito, Vic, and Joey.'

Ang Brightlight productions ang siyang nasa likod ng noontime show na Lunch Out Loud kung saan sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani ang ilan sa mga host nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng panayam ni Cristy kay Senator Tito na mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Kabi-kabilang balita ngayon ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa, 44 taon ang nakalilipas.

Read also

Alex Gonzaga kay Luis Manzano: "Nakakuha ka na nga ng guest nanira ka pa"

Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.

Ito ang interview na umano'y inalmahan ng panig ng host ng Eat Bulaga na siyang naging dahilan para magsalita na rin umano si Senator Tito Sotto tungkol sa issue. Kabi-kabilang mga interviews ang kanyang napaunlakan upang bigyang linaw ang ilang mga naging pahayag ng TAPE na tila taliwas umano sa kanilang naging usapan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica