Eat Bulaga guest na si "Spaghetti", kinagiliwan lalo dahil sa pangalan ng mga anak

Eat Bulaga guest na si "Spaghetti", kinagiliwan lalo dahil sa pangalan ng mga anak

- Aliw na aliw ang mga 'Eat Bulaga' Dabarkads dahil sa kakaibang pangalan ng kanilang mga panauhin sa Bawal Judgmental

- Isa na rito si Spaghetti '88 na talagang hindi pangkaraniwan ang pangalan lalo na at ito'y may bantas at numero pa

- Aniya, ama nila ang nakaisip ng naturang pangalan gayundin sa mga kapatid niyang sina "Macaroni '85" at ang bunso nilang si "Sincerely Yours '98"

- Tila pinanindigan na rin ni Spaghetti ang mga kakaibang pangalan na ito nang bigyan din niya ng hindi pangkaraniwang pangalan ang kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aliw na aliw man subalit halos hindi halos makapaniwala ang mga Eat Bulaga Dabarkads sa kakaibang pangalan ng kanilang panauhin sa Bawal Judgmental na si "Spaghetti '88."

Eat Bulaga guest na si "Spaghetti", kinagiliwan lalo dahil sa pangalan ng mga anak
Spaghetti '88 Revisa (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito talaga ang totoong pangalan nito at ang kanyang palayaw ay "Spag."

Read also

Rendon Labador, kumalas na raw sa Episode Bar + Kitchen

Kwento ni Spag, "Macaroni '85" ang pangalan ng panganay niyang kapatid at ang bunso naman ay si Sincerely 'Yours '98.

Mapapansing na may numero ang kanilang mga pangalan na taon ng kanilang kapanganakan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, tila pinanindigan na rin ni Spag ang pagkakaroon ng kakaibang pangalan sa pamilya kaya naman maging sa sarili niyang mga anak, may kaugnayan pa rin sa pangalan niya.

"So siymepre ang pangalan ko Spaghetti so what is in spaghetti. 'Yung first born ko is Cheese Pimiento pero wala na siyang number. And Parmesan cheese," Kwento ni Spag. Chippy at Peewee raw ang nickname ng mga ito habang ang pinagbubuntis naman niyang baby girl ay si Mozarella Cheese at may palayaw na "Moby."

Noon pa man, masaya at makulit na raw umano sa kanilang tahanan dahil dito. Subalit aminado si Spag na dumating din siya sa puntong na-bully siya nang ilabas ang "Spaghetti song" ng Sexbomb dancers at "Otso-tso" ni Bayani Agbayani.

Read also

Andrea Brillantes, nagpatulong sa Blackpink para sa 'promposal' niya kay Ricci Rivero

"Lalo na nung naimbento yung kantang Spaghetti... So 'dun nag-start na parang nabu-bully ako. Kasi tuwing dadaan ako sa school, o andyan na si Spaghetti, tataas ba 'yan o bababa?Tapos 'non, kalaban pa. 'Yung otso-otso e ako 'yun."

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Eat Bulaga:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest running noontime show sa bansa. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey." Sa ngayon patuloy pa rin ang pamamayagpag nila sa ere tuwing tanghali kasama ng ilang mga bago nilang Dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Read also

Makulit na paglalako ng tinderang may pasabog kung 'di bibilhan, kinagiliwan online

Kamakailan, masaya umanong nakabalik si Alden Richards sa Eat Bulaga matapos ang kanya umanong leave na naging daan para matutukan naman niya ang kanyang mga negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel