Joey de Leon; nasabing greatest legacy ang pagpapangalan niya sa 'Eat Bulaga'
- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nasabi ni Joey de Leon na ang pagkakaisip niya ng pangalan ng 'Eat Bulaga' ang maituturing niyang greatest legacy
- Naikwento niya rin kung saan niya nakuha ang ipinangalan sa ngayo'y itinuturing na longest-running noontime show sa bansa
- Naibahagi pa ni Joey ang pagsisimula ng TVJ (Tito, Vic and Joey) na ngayo'y nasa 50 taon na sa industriya ng showbiz
- Sa ngayon, ika-44 taon na ng Eat Bulaga na patuloy na naghahatid saya sa pananghalian ng mga Pilipino
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Greatest legacy umano ni Joey de Leon ang pagkakaisip niya ng pangalang 'Eat Bulaga' na ngayo'y itinuturing na longest running noontime show sa Pilipinas.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naikwento niya sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa 'Toni Talks.'
"Ako 'yung pangalan ng Eat Bulaga... yabang! Hindi, natutuwa lang ako 'dun. 'Ako nakaisip niyan ah," masayang naikwento ni Joey.
Aniya, hango ito sa dating noontime show kung saan sila nanggaling, ang 'Student Canteen.' Ngunit tumutok lamang siya sa salitang canteen gayung umeere ang kanilang programa sa oras ng pananghalian ng mga Pilipino.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Nung inisip ko 'yung title ng Eat Bulaga, hindi ko inisip 'yung student. Kasi lahat ng mga writers noon may mga taga-UP pa kaming writers e. Ako hindi naman ako tinatanong e. Hindi naman ako kasali 'dun e. Mga title, student buddy didikit mga ganun e. Kabaduyan ng Pinoy. Ako hindi, dun ako nag-ano sa canteen. Kasi naisip ko lunch ito e. Kaya 'eat' agad ako, dinugtungan ko. Surprise at noon... Bulaga! Kasi Eat Bulaga."
Hanggang sa tumagal na sila ng apat na dekada na hanggang ngayo'y patuloy ang pagpapasaya nila sa pananghalian ng pamilyang Pinoy.
"Nung first anniversary ng Eat Bulaga, ang yabang ko nagpaprint pa ako ng tshirt 'Hangga't may bata, may Eat Bulaga."
"Tapos isa pang print, ako 'yung loko e. "Eat Bulaga... one year old, 99 years to go" na tila deklarasyon ng tinatahak nilang tagal sa industriya.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Toni Gonzaga Studios:
Si Joey de Leon ay isang actor, comedian at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga nirerespestong haligi ng industriya ng showbiz kung saan unang nakilala sa trio nilang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest running noontime show sa bansa. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey." Sa ngayon patuloy pa rin ang pamamayagpag nila sa ere tuwing tanghali kasama ng ilang mga bago nilang Dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.
Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh