Ogie D sa umano'y bad image ng Quiapo sa teleserye ni Coco: "Ganun talaga"

Ogie D sa umano'y bad image ng Quiapo sa teleserye ni Coco: "Ganun talaga"

- Nagiging usap-usapan din ang umano'y naipalalabas na 'di kagandahang sitwasyon sa FPJ Batang Quiapo

- Ani Ogie Diaz, masasabing hindi naman talaga ito nalalayo sa kung ano ang nangyayari sa naturang lugar

- Tulad na lamang ng kanyang naibahaging karanasan na sinang-ayunan ng marami at nagbigay din sila umano ng kanya-kanyang ganap na di malilimutan sa Quiapo

- Gayunpaman, dapat unawain ng mga nanonood na mayroong 'disclaimer' sa umpisa ng programa na nagsasabing imbentong karakter lang ang naroon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bukod sa husay ng mga aktor sa FPJ Batang Quiapo, marami ang nakapansin na tila hindi maganda ang imaheng ipinakikita roon ng nasabing lugar.

Ogie D sa umano'y bad image ng Quiapo sa teleserye ni Coco: "Ganun talaga"
Coco Martin kasama ang mga bahagi ng teleserye na FPJ Batang Quiapo (ABS-CBN/ FPJ's Batang Quiapo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natalakay nina Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel.

Read also

Zeinab, walang nabiling regalo sa pamangkin; bibigyan na lang ng Php100,000

"E ganoon talaga. 'Yung totoong Quiapo talagang may mga ano 'yan may masasamang loob naman talaga," ani Ogie D.

"Hindi lang naman sa Quiapo, maging sa ibang lugar, sa ibang larangan. may mga masasama. Hindi mo nga maide-describe ang isang mabuting tao kung wala siyang kasamang masama e," paliwanag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang matapos ilabas ni Ogie ang kanyang sariling karanasan sa nasabing lugar, marami na rin ang naglabas ng kani-kanilang di kagandahang experience sa Quiapo.

"Ibig sabihin e, hindi natin dapat inilalayo ang tunay na mukha ng Quiapo. Hindi naman lahat ng mabuti ay nandoon sa isang lugar. Sinasamahan din yan ng kasamaan."

Mapapansin din umano na mayroong disclaimer sa umpisa ng programa na siyang nagsasabing ang mga karakter sa palabas ay pawang kathang-isip lamang.

"May paunawa naman sa unahan na mga ano lang yan mga inimbentong mga karakter. Basta dapat naiintindihan 'yan sa umpisa pa lamang. Kaya meron na silang disclaimer 'di ba?" ani Ogie.

Read also

Maegan Aguilar, negative umano sa drug test; isiniwalat ang dahilan ng pagpapa-test

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Samantala, namamayagpag naman ang seryeng 'FPJ Batang Quiapo' mula nang maisaere ito noong Pebrero 6. Isa na ito sa pinakaabangang programa sa telebisyon gabi-gabi.

Matatandaang pilot episode pa lang nito, matinding pasabog na ang acting ni Miles Ocampo nagumanap bilang batang Cherry Pie Picache ang nasaksihan kung saan talagang hinangaan at pinalakpakan siya ng marami maging ng kanyang mga kapwa artista at ibang kasama sa serye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica