11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa
- Nagpaluha sa marami ang audition ng 11-anyos na si Madison Taylor Baez sa America's Got Talent
- Hindi alam ng mga judges na sadyang inilagay sa sudience si Madison nang kanila itong mapansin habang break
- Sa husay ng bata na umawit, mismong si Simon Cowell ang nag-alok dito na pumanhik sa entablado at ipagpatuloy ang audition
- Nakamit niya ang golden buzzer na nangangahulugang pasok na agad siya sa Finals ng prrograma
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umantig sa puso ng marami ang hindi inaasahang performance ng 11-anyos na si Madison Taylor Baez sa America's Got Talent.
Nalaman ng KAMI na sadyang inilagay sa audience si Maddie at kanyang ama upang tingnan kung mapapnsin ng judges ang husay niya sa pagkanta.
Habang break, nagkunwaring naghanap ng maaring kumanta ang isang staff ng programa. Doon, nagtaas ng kamay si Maddie at kinanta ang ilang linya ng 'Amazing Grace.'
Sakto namang pagpasok ni Simon Cowell, ang isa sa mga matitinik na judges ng America's Got Talent.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang makinig niya ang husay ni Maddie, inaya niya itong mag-audition at itinuloy nga ang kanyang performance sa AGT stage.
Standing ovation ang lahat maging ang mga kapwa judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara, at Howie Mandel.
Nang tanungin pa siya ng mga ito kung ano ang gagawin niya sa $1 million sakaling siya ay palarin, ilalaan daw niya ito sa pagpapagamot ng ama na 9 na taon nang may colon cancer.
Nagkamit din ng golden buzzer si Maddie na nangangahulugang pasok na siya sa finals.
Narito ang kabuuan ng kanyang performance sa America's Got Talent:
Ang America's Got Talent ay isang reality show sa Amerika na nagtatampok sa mga amateur performers. Ngayong 2021, ika-16 na season na ng programa na nagsimula pa noong 2006.
Samantala, noong nakaraang taong 2020, sumabak ang kilalang mahusay na performer ng bansa na si Marcelito Pomoy sa nasabing paligsahan.
Marami ang humanga lalo kay Marcelito dahil sa kakayanan niyang kumanta ng mapa-babae o mapa-lalaking boses.
Dahil sa kanyang husay, umabot siya sa Finals ng naturang season ng AGT sa kabila ng mga kinaharap nitong kontrobersya.
Source: KAMI.com.gh