PBB, nag-imbita ng historian kaugnay sa kontrobersyal na 'MaJoHa' issue
- Nag-imbita ang Pinoy Big Brother ng isang historian sa programa kaugnay sa kontrobersyal na issue ng MaJoHa
- Ito ay matapos na maging usap-usapan ang programa nang 'MaJoHa' ang isagot ng isang housemate sa halip na 'GomBurZa'
- Ayon sa historian, tila napapanahon ang pag-alam ng kasaysayan ngayon
- Ito ay dahil sa umano'y pagkatutp ng katwirang desisyon sa panahon ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos na maging usap-usapan kamakailan ang sagot ng Pinoy Big Brother teen housemate na 'Majoha' sa halip na 'GomBurZa' patungkol sa tatlong Pilipinong paring martyr, nag-imbita ng isang kilalang Historian si Kuya.
Nalaman ng KAMI na nag-set up din ng ala museum si Kuya sa kanyang bahay upang mabigyang pagpapahalaga ng mga housemates ang kasaysayang naganap sa ating bansa.
Bukod kasi sa 'MaJoHa,' may ilang mga kasagutan pa rin ang mga housemates na hindi inaasahan ng marami na hindi alam ng mga ito gayung sinasabing napapag-aralan naman dapat ito sa paaralan.
"Napapanahon ang gagawin n'yo sapagkat kung ang pagpapahalaga sa tunay na kasaysayan at yung tunay na pagsasaliksik ng kung anong nangyari sa ating nakaraan, kailangan natin ng kasaysayan upang matuto at gumawa ng mas makatwirang desisyon sa hinaharap," ayon kay Xiao Chua na isa sa mga kilalang public historian sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ilang araw matapos na mag-trending ang "MaJoHa", nagbigay komento ang Pinoy Big Brother host na si Robi Domingo.
Sa kanyang Twitter post, diretsang sinabi ni Robi ang saloobin niya sa kontrobersyal na episode ng PBB.
"Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa," bungad niya.
Dagdag pa ni Robi, nasasalamin sa naturang episode ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Dahil dito, may hamon din siya sa mga content creators sa paglikha ng mas makabuluhang video na kapupulutan ng aral at kaalaman lalo na kasalukuyang kalagayan ng pag-aaral ngayon ng mga estudyante dahil sa pandemya.
"Sa lahat ng content creators, let's battle #MaJoHa," ani Robi.
Sinundan naman ito ng naging matapang na pahayag ng isang kilalang vlogger at kilalang educational content creator na si Coach Lyqa Maravilla. Naging usap-usapan din ang kanyang komento gayung tahasan siyang nagbigay ng halimbawa ng ilang propesyunal kaugnay sa matagal na umanong krisis sa edukasyon.
Source: KAMI.com.gh