Coach Lyqa sa 'Majoha' issue ng PBB Teens; "Matagal na hong may krisis"

Coach Lyqa sa 'Majoha' issue ng PBB Teens; "Matagal na hong may krisis"

- Nagbigay pahayag si Lyqa Maravilla patungkol sa isyung 'Majoha' ng PBB teens

- Aniya hindi na raw ito bago at matagal na umanong may krises sa edukasyon

- Marami rin naman ang umalma sa kanyang nabanggit na propesyon

- Si Lyqa o mas kilala bilang si Coach Lyqa ay sumikat sa kanyang mga educational videos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Lyqa Maravilla o mas kilala bilang si Coach Lyqa patungkol sa 'Majoha' issue ng Pinoy Big Brother Kumunity Teens Edition.

Coach Lyqa, nagbigay komento sa 'Majoha' issue ng PBB Teens; "Matagal na hong may krisis"
Coach Lyqa, nagbigay komento sa 'Majoha' issue ng PBB Teens; "Matagal na hong may krisis" (Photo: Lyqa Maravilla)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na gumawa ng ingay ang naturang episode ng PBB sa umano'y mga maling sagot ng teen housemate patungkol sa kasaysayan ng bansa at iba pang kaalamang inaasahan na naituro na sa kanila sa paaralan.

Tulad na lamang ng sagot nilang 'Majo' at 'Majoha' na ang dapat na sagot ay GOMBURZA patungkol sa Filipino martyr priests na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.

Read also

Cristy Fermin, 'di raw kinilig sa umano'y eksena nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Gayundin ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na ang dapat na sagot ay San Juanico Bridge subalit 'SLEX' ang isinagot ng isang housemate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, nagkomento ang kilalang content creator na si 'Coach Lyqa' lalo na at ang mga nilalaman ng kanyang videos ay pawang educational at matututo ang kanyang mga manonood sa mabilis at mas madaling paraan.

Narito ang kabuuan ng kanyang tweet na naibahagi rin ng Inquirer.net:

Bukod sa pagiging isang online educational content creator isa ring author, podcast host, at resource speaker si Lyqa Maravilla. Siya ang topnotcher sa 2013 Civil Sevice Examinations. Taong 2017, nakamit niya ang YouTube NextUp award.

Narito ang isa sa sa mga nag-viral niyang educational video:

Samantala ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ay isa sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Senator Ping Lacson, nilinaw na si Mayor Isko Moreno lang ang nagsabing "withdraw Leni"

Simula noong Oktubre ng nakaraang taon, muling binuksan ang bahay ni Kuya para sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother.

Matatandaang naging bahagi ng final 5 ng naturang edisyon sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Samantala hinirang naman na Top 2 sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sinundan naman agad ito ng PBB Kumunity Adult edition kung saan sina Michael Ver Comaling, Seham Daghlas at Zach Guerrero ay naging bahagi ng final 5 habang sina Isabel Laohoo at Nathan Juane ang napabilang sa Top 2.

Noong Marso 7, pumasok naman ang mga teen housemates na hanggang ngayon ay mapapanood sa Kapamilya online live at iba pa nilang channels.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica