Dating Idol Philippines contestant na nakipaglaban sa cancer, pumanaw na

Dating Idol Philippines contestant na nakipaglaban sa cancer, pumanaw na

- Napamayapa na si Joshua Calvin Encomienda, isa sa mga naaging contestant ng Idol Philippines noong 2019

- Kinumpirma ito ng isa niyang kaanak na ibinahagi ang mga huling kaganapan kung saan napag-alamang mayroon na rin pala itong brain tumor

- Limang taong nakipaglaban sa kanyang karamdaman sa dugo si Calvin na lakas-loob pang nakasali sa Idol Philippines

- Sa naturang kompetisyon, nabanggit pa ni Calvin na ang pinaghuhugutan niya ng lakas ay ang inang ayaw niyang maiwang mag-isa sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na ang naging Idol Philippines constestant noong 2019 na si Joshua Calvin Encomienda.

Dating Idol Philippines contestant na nakipaglaban sa cancer, pumanaw na
Dating Idol Philippines contestant na nakipaglaban sa cancer, pumanaw na (Photo: Idol Philippines)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang kaanak nitong si Roriefel Sahagun ang nagkumpirma ng nakalulungkot na balita gayung limang taon ding nakipaglaban sa karamdaman niyang chronic myelogenous leukemia.

Sa kanyang post, naibahagi ni Roriefel ang ilan sa mga huling sandali ni Calvin bago ito tuluyang namaalam.

Read also

Pangulong Duterte sa katangian ng susunod na presidente: "Sana Abogado"

Isa na rito ang pagkakaroon pa niya ng brain tumor bukod sa una niyang nilalabanan na isang uri ng leukemia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Lately, the oral chemo drug that he's taking, made some severe side effects to him. Chest pain, joint pain, difficulty in breathing, sleepless painful nights, and so much more. Yesterday, he can't move at all anymore. Half of his body is numb. Later that night, we already took him to the hospital."

Sa inisyal na pagsusuri sa kanya ng ospital, inakalang na-stroke ito dala ng sakit na nararamdaman at ang mga gamot nito.

Kinailangan itong ilipat ng ospital para sa CT scan at doon nakumpirmang may brain tumor naman ito.

Sa tindi ng mga pangyayari, hinimatay pa ang kanyang ina nang malaman ang panibagong karamdaman na nagpapahirap sa anak.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Samantala, isa sa mga huling post ni Calvin ay nagpapakitang dinala muli siya sa pagamutan dahil sa labis na pagdurugo. Gayunpaman, kapansin-pansin ang tapang nila ng kanyang ina sa larawan.

Sunod-sunod na rin ang mga mensahe ng pamamaalam ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Si Joshua Calvin Encomienda ay isa sa mga contestants ng Idol Philippines kung saan nakuha niya ang apat na "Yes" ng mga judges na sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, James Reid at Vice Ganda.

Doon, naikwento pa niya sa kompetisyon ang mga detalye ng kanyang karamdaman. Labis itong masakit para sa kanya lalo na at sila lamang ng kanyang ina ang magkasamang namumuhay.

Kaya naman aminadong nagiging emosyonal siya noon sa tuwing naiisip niyang maiiwan niya ang ina pagdating ng panahon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel