Chie Filomeno sa PBB housemates: "Paano kinakain 'yung ulo ng tuyo?"

Chie Filomeno sa PBB housemates: "Paano kinakain 'yung ulo ng tuyo?"

- Sa Day 11 ng 'Pinoy Big Brother' Season 10, masayang kumain ang mga housemates ng tuyo at ampalaya

- Nahagip ng camera si Chie Filomeno na nagtatanong sa kanyang kapwa housemates kung paano kumain ng ulo ng tuyo

- Sinabi rin ni Chie na paborito niya ang ampalaya kaya kitang-kita na ganado siya sa kanilang pagkain

- Kwento pa ni Chie, Ito rin daw ang unang beses na nakaubos siya ng tuyo at sa loob pa ng PBB house

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masaya ang naging meal time ng mga Pinoy Big Brother housemates lalo na at tuyo at ampalaya ang ulam sa Day 11 nila sa bahay ni Kuya.

Nalaman ng KAMI na nahagip ng camera ang pagtatanong ni Chie Filomeno sa kapwa niya housemates kung paano kumain ng ulo ng tuyo.

Read also

Madam Inutz, may pa-Christmas party sa family bago pumasok sa PBB

"Paano kinakain 'yung ulo ng tuyo," ang kaswal na tanong ni Chie na mapapansin ang gana sa pagkain nito lalo na at paborito raw pala niya ang isa pa nilang ulam na ampalaya.

Chie Filomeno sa PBB housemates: "Paano kinakain 'yung ulo ng tuyo?"
Chie Filomeno (@chiefilomeno)
Source: Instagram

Kwento pa ni Chie habang kumakain, unang beses pa lamang niyang makaubos ng tuyo at ito ay sa bahay pa ni Kuya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa sarap pa umano ng kanilang pagkain, hindi na nagkubyertos sina Madam Inutz at John na talagang nagkamay habang kumakain.

Isa rin sa hinangaan ng mga netizens ay ang pagdadasal ng housemates sa pamumuno ni Alexa Ilacad bago sila magsalo-salo.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

LJ Reyes, may pahayag sa komentong mahal pa niya si Paolo Contis base sa Boy Abunda interview

Kasama ni Chie Filomeno, ilan pa sa mga kilalang celebrity housemates na pumasok sa bahay ni Kuya ay sina Brenda Mage, Alyssa Valdez at Madam Inutz.

Nagulat ang marami kamakailan nang payagan pa rin ni Kuya na mag-live selling si Madam Inutz kahit nasa loob na siya ng PBB House. Ito ay upang patuloy pa rin niyang matulungan ang kanyang pamilya.

Subalit, marami ang nakapansin na 'behave' si Madam Inutz habang nagla-live selling sa loob ng bahay ni Kuya at isa nga sa mga nakapansin sa kanya ay ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel