Samsara, naglabas ng bagong kanta sa gitna ng balitang hiwalay na sila ni Bugoy na Koykoy

Samsara, naglabas ng bagong kanta sa gitna ng balitang hiwalay na sila ni Bugoy na Koykoy

- Naglabas ng bagong kanta si Samsara 304 sa gitna ng lumabas na balitang naghiwalay na sila ng rapper na si Bugoy na Koykoy

- Ang kantang "Huling Yakap" ay kanyang binahagi sa social media at umani ito ng mga reaksiyon mula sa mga netizens

- Marami naman ang naghayag ng kanilang suporta kay Samsara sa gitna ng bali-balitang ito

- Wala pang pormal na pahayag sina Bugoy na Koykoy at Samsara kaugnay dito ngunit hindi na nakikita si Samsara sa mga vlogs ni La Bruha

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Samsara 304 ang isang bagong kanta na may pamagat na "Huling Yakap" sa gitna ng lumabas na balitang hiwalay na sila ni Bugoy na Koykoy. Bahagi ng lyrics ng kanyang kanta ay "Di na kaya ng dibdib na maging pangalawa."

Read also

Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa It's Showtime

Samsara, ngalabas ng bagong kantang sa gitna ng balitang hiwalay na sila ni Bugoy na Koykoy
Samsara, ngalabas ng bagong kantang sa gitna ng balitang hiwalay na sila ni Bugoy na Koykoy (@bugoynakoykoyofficial)
Source: Instagram

Kamakailan ay kasama pa si Samsara sa video na nilabas ni Yorme Isko Moreno kung saan guest niya sina Bugoy na Koykoy at ang tatlong karelasyon nito.

Sa paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Samsara, wala pa ring direktang pahayag na nilalabas ang magkabilang panig. Dalawang taon din na naging karelasyon ni Bugoy na Koykoy si Samsara.

Samantala sa Facebook page na Two Joints, makikita ang picture na wala na si Samsara sa kanilang pictures. Mayroon ding mystery girl na kasama si Bugoy sa kanyang mga post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami naman ang naghayag ng kanilang suporta kay Samsara sa gitna ng bali-balitang ito:

You did a great job Samsara! Not all the time, mag wowork ang set up nyo. Sometimes you will think about your worth. You’re talented, maganda and d mo deserve yung set up na ganyan. Find a man who will love you fully at ikaw lng, wala ng iba. Fighting!!

Read also

Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy

" 'di na kaya ng dibdib maging pangalawa" You made the right decision. Sobrang laki ng potential mo dahil talented ka. Happy for you! You'll grow pa. Ganda ng song na 'to
Proud of you Sam!! You’ll be okay and you will heal. Praying for your success

Si Bugoy na Koykoy ay isang Filipino rapper at vlogger na naging kontrobersiyal dahil sa kakaibang setup niya kasama ang kanyang mga karelasyon na tumira sa iisang bahay. Bukod sa pag-vo-vlog ay lumilikha din sila ng mga kanta.

Sa kasalukuyang panahon, sa pagsikat ng mga social media personalities, maraming musician at rapper ang kilala sa paggawa ng mga content. Ilan sa mga rapper na kilalang-kilala sa social media ay sina Skusta Clee, Flow G, at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel