Gab ng Parokya ni Edgar, muling naki-jam sa banda matapos ang dalawang buwang pagkaka-ospital

Gab ng Parokya ni Edgar, muling naki-jam sa banda matapos ang dalawang buwang pagkaka-ospital

- Muling nakasampa ng entablado kasama ng kanyang mga kabanda sa Parokya ni Edgar si Gabriel Chee Kee

- Sa post ni Chito Miranda, sinabi nitong sa isang kanta lamang naki-jam si Gab at nagpaalam sa kanyang doktor para gawin ito

- Matatandaang noong Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ni Chito ang lagay ni Gab na noo'y nasa ICU

- Matapos ang dalawang buwan, nakalabas na ng ospital noon pang Marso si Gab subalit patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman na lymphoma

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ginulat ni Gabriel "Gab" Chee Kee ang mga nanood ng Circus Music Festival nang muli niyang makasama ang mga kabanda sa 'Parokya ni Egdar' sa entablado.

Gabriel Chee Kee (Parokya ni Edgar)
Gabriel Chee Kee (Parokya ni Edgar)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ang unang pagkakataon na naka-jam niya ang mga kasama matapos ang nasa dalawang buwan niyang pagkaka-ospital mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.

Read also

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

Sa post ni Chito Miranda, nabanggit niyang isang kanta lamang umano ang tinugtog at kinanta ni Gab kasama ang banda. Pinahintulutan naman daw ito ng kanyang doktor at may kasamang nurse sa gabing iyon.

"Nag-jam si Gab kagabi sa Your Song at sa Halaga (don't worry, nagpaalam sya sa doctor nya, at may kasama syang nurse buong time) As a friend, I was honestly worried, and wanted him to rest, and to simply enjoy the show from the sidelines. As a bandmate, it was an overwhelming experience. Sobrang saya lang ng feeling na naka-jam si Gab ulit...nakakakilabot," ani Chito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Muli rin niyang pinasalamatan ang mga taong sumuporta kay Gab na malaki ang naging bahagi sa patuloy na paggaling nito.

"Sabi ko nga, kung hindi nyo kami tinulungan, wala na siguro si Gab ngayon...pero now, he's slowly getting his strength back, and is on his way to making a full recovery. Mahaba pa ang laban, pero we are slowly, but surely, winning."

Read also

Dingdong Dantes, nilahad ang bersyon niya ng "naka-prepaid ka lang" na kwento ni Marian

Samantala, narito ang naging performance ni Gab mula sa One Music PH nang muli niyang kantahin ang 'Your Song':

Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang lagay ng kanyang best friend at kabanda na si Gabriel Chee Kee.

Sa post ni Chito, sinabi nitong mayroong lymphoma si Gab na bagama't handa ito sa pagpapa-chemotherapy, tinamaan naman ito ng pneumonia dahilan para siya'y malagak sa ICU ng mahigit halos dalawang buwan.

Kabi-kabila na ang mga benefit shows para kay Gab upang makatulong sa medical expenses nito. Labis-labis naman ang pasasalamat niya at kanyang mga kabanda at pamilya sa umaapaw na tulong at suporta dahilan para unti-unting bumuti ang lagay nito.

Tulad na lamang ng bidding sa gitarang pirmado ng bandang Eraserheads. Umabot ang halaga nito sa Php1.3 million at napunta sa pagpapa-ospital ni Gab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel