Paolo ng Ben & Ben, sa Grab driver na fan pala nila; "Ayos sound trip mo kuya ah"

Paolo ng Ben & Ben, sa Grab driver na fan pala nila; "Ayos sound trip mo kuya ah"

- Kinagiliwan ng marami ang video ni Paolo Guico nang muli siyang mag-Grab

- Ito ay dahil fan pala umano nila ang driver ng Grab na sounds pa nila ang patugtog nang siya ay sumakay

- Nahiya na lang umanong magpakilala si Paolo ngunit pasimpleng nagpasalamat sa pagsuporta nito sa kanila

- Gayunpaman, hiling niya na isang araw ay makapag-picture sila ng Grab rider na nagpakilalang fan ng Ben and Ben

Viral ang video ni Paolo Benjamin Guico kung saan ibinahagi niya ang masayang ganap nang muli siyang sumakay ng Grab.

Paolo ng Ben & Ben, sa Grab driver na fan pala nila; "Ayos sound trip mo kuya ah"
Paolo ng Ben & Ben (@paolobenjamin_)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagkataong ang sound trip ng Grab driver ay mga kanta ng Ben and Ben na bandang kinabibilangan ni ni Paolo.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Paolo na sa buong biyahe, inabot ng ilang kanta nila ang pinatugtog ng driver.

Read also

Kylie Padilla, nabanggit na hiwalay na rin si Max Collins kagaya niya

"So first time ko mag-Grab ulit after a long time kagabi. Tapos si Kuya puro kanta namin ang sound trip kagabi."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminadong nahihiya si Paolo na magpakilalang isa siya sa miyembro ng bandang Ben & Ben.

Subalit nagpasalamat naman si Paolo sa sakay at sound trip ng driver na isa pala nilang fan.

"Sana makapagkita at makapag-selfie tayo one day kuya, ingat po kayo," ang caption ng post ni Paolo.

Sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico ay bahagi ng bandang Ben & Ben na unang nakilala umano bilang 'The Benjamins.' Taong 2015 nang makilala si sa Philippine music scene dahil sa awitin nilang 'Kathang Isip ' at 'Tinatangi.'

Mula noon, hindi na mapigil umano ang pagsikat ng kanilang mga inilalabas na awitin tulad ng 'Pagtingin,' 'Maybe the night', 'Leaves' at marami pang iba.

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Sa naging interview ni Karen Davila kay Paolo at sa kambal nitong si Miguel hindi nito napigilang maging emosyonal. Aniya, first time niya umanong maiyak sa isang interview. Ito ay nang maitanong sa kanila ang tungkol sa kanilang ate na nakipaglaban at nakaligtaas sa bangis ng COVID-19 na siyang inspirasyon sa paggawa nila ng awiting 'Magpahinga.'

Nito lamang Halalan 2022, isa rin ang bandang Ben & Ben sa mga boluntaryong sumuporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Una silang nakasama sa nasabing kampanya noong Marso 20 sa Pasig City hanggang sa halos lahat na ng People's rally ng Leni-Kiko tandem at Tropang Angat ay kabilang na sila.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel