Cristy, nabalitaan umano na hanggang Disyembre lang ang It's Showtime sa GMA

Cristy, nabalitaan umano na hanggang Disyembre lang ang It's Showtime sa GMA

- Nabalitaan ni Cristy Fermin na hanggang Disyembre lamang umano ang 'It's Showtime' sa GMA

- Ito raw ang pinirmahang kontrata ng ABS-CBN sa GMA

- Sinasabing kailangang mapataas ng 'It's Showtime' ang kanilang ratings kaugnay nito

- Gayunpaman, nilinaw ni Cristy na patanong o pakwestyon umano ang pagpaparating niya ng nabalitaang ito

Isa umanong reliable source ni Cristy Fermin ang nakapagsabi sa kanya na hanggang Disyembre lamang umano ang It's Showtime sa GMA.

Cristy, nabalitaan umano na hanggang Disyembre lang ang It's Showtime sa GMA
Cristy, nabalitaan umano na hanggang Disyembre lang ang It's Showtime sa GMA
Source: Facebook

Nabalitaan niya lamang ito kamakailan at sinasabing kailangan mapataas ng naturang noontime show ang kanilang ratings kaugnay ng umano'y nasabi ukol sa kontrata.

"Kailan lang po, isang reliable source, hindi nanununog, hindi nangunguryente, talagang totoong-totoo ang sinasabi, ang nagkwento sa amin na hanggang December lamang daw po ang kontrata ng GMA at ng Kapamilya Network para sa It's Showtime," pagbabahagi ni Cristy.

Read also

Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo

"Dahil kung hindi ano ang magaganap?" dagdag ni Cristy, "e di matsutsugi sila," sagot naman ni Wendell.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Cristy, maari umanong iyon ang kolaborasyon na pinasok ng ABS-CBN sa GMA pagdating sa It's Showtime.

Gayunpaman, nilinaw ni Cristy na patanong ang paghahatid umano ng nabalitaang ito subalit iyon talaga raw umano ang kumakalat.

"Ito po ay kinikwestyon namin. Pakwestyon po ang aming pagde-deliver sa inyo ng kwento dahil hindi namin nakita 'yung pinirmahan. Pero yan po ang talagang kalat na kalat"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong ika-24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Read also

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

Matapos ang kabi-kabilang kuro-kuro noon, Ang It's Showtime na nga ang tuluyan nang pumalit sa naiwang time slot ng Tahanang Pinakamasaya na minsan ding tinawag na Eat Bulaga sa GMA.

Matatandaang sa signing of contract ng mga GMA at ABS-CBN bosses, naging emosyonal ang mga It's Showtime host na umano'y gumawa ng kasaysayan sa telebisyon sa pagsasanib pwersa ng dalawang malaking istasyon sa bansa. Simula ngayong Abril 6, mapapanood na rin sa GMA free tv ang It's Showtime, mula Lunes hanggang Biyernes sa oras ng pananghalian ng mga 'madlang Kapuso.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel