Cristy, umano'y may hamon sa ilang AlDub fans: "Kailangan ang ilabas niyo, resibo"

Cristy, umano'y may hamon sa ilang AlDub fans: "Kailangan ang ilabas niyo, resibo"

- Tila may hamon umano si Cristy Fermin sa ilang mga AlDub fans

- Ito ay matapos na magkomento ng ilan sa kanila na huwag umano sanang pumatol si Kathryn kay Alden

- Naniniwala pa rin umano ang ilang AlDub fans na mag-asawa sina Alden at Maine at mayroon pa raw itong tatlong anak

- Aminado si Cristy na natatawa na lamang siya sa isyung ito na na sana'y gumising na umano ang ilang AlDub fans sa katotohanan

Muling natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ang tungkol sa paniniwala umano ng ilang AlDub fans sa kanilang iniidolong sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Cristy, umano'y may hamon sa ilang AlDub fans: "Kailangan ang ilabas niyo, resibo"
Alden Richards and Maine Mendoza (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Ito ay matapos na magkomento ng ilang mga fans na ito sa video at larawan nina Alden at Kathryn Bernardo na naging usap-usapan kamakailan.

Ayon sa ilang AlDub followers na ito, huwag daw sanang pumatol si Kathryn kay Alden gayung kasal ito kay Maine at mayroon din umano itong mga anak.

Read also

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

"Marami rin naman sa mga miyembro ng AlDub nation ang nag-iisip ng tama at tama rin ang katwiran at opinyon. Sa panahon ngayon ng social media, parang korte na ito. Di ba may korte na ng bayan ngayon. Kung sa korte po ang hinihingi ay ebidensya, sa social media resibo," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi pwede ngayon 'yung kung ano ang nalalaman mo lang. Kailangan ang ilabas niyo, resibo na paniniwalaan ng taongbayan," dagdag pa niya.

Paliwanag ni Cristy, hindi niya nilalahat ang mga AlDub fans gayung mayroon din namang tanggap na may bahay na ni Congressman Arjo Atayde si Maine at kasalukuyan namang walang napapabalitang babae sa buhay ni Alden.

"Nakakatawa naman po talaga 'yung isyu na yan. Mano nang gumising na kayo sa katotohanan. Ang kulto ninyo wasakin niyo na buwagin niyo na. Aba e tinatalo niyo pa ang kulto ng relihiyon. Hanggang ngayon na ba naman 'yan pa rin ang paniniwala niyo?"

Read also

Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan din nila ang umano'y mga crazy rumors na hanggang ngayon ay naiuugnay sa kanila ng dating ka-love team na si Maine Mendoza. Inakala niyang matatapos na ito nang maikasal si Maine kay Arjo Atayde subalit may ilang fans pa rin na nagsasabing sila umano ni Maine ang ikinasal at nagkaroon pa ng anak.

Samantala, maging si Ogie Diaz ay pinayuhan na rin ang AlDub fans na mag-move on na umano lalo na at may asawa na talaga si Maine Mendoza. Ipinahinga na raw dapat ang naturang isyu na wala umanong katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel