Ogie D, sa ina ng panganay ni Baron: "Sino naman tayo para banggitin dito?"

Ogie D, sa ina ng panganay ni Baron: "Sino naman tayo para banggitin dito?"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa umano'y aktres na ina ng panganay na anak ni Baron

- Matatandaang sa interview ni Ogie kay Baron, umamin ito na mayroon siyang 16-anyos na anak at ito ang kanyang panganay

- Matapos ito, kabi-kabilang espekulasyon ang naglabasan sa kung sino ang ina ng anak ni Baron sa isa umanong kilalang aktres

- Bagama't kilala umano ni Ogie ang naturang aktres, may dahilan siya kung bakit hindi niya ito pinangalanan

Napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol sa ina ng panganay na anak ni Baron Geisler sa isa umanong aktres.

Ogie Diaz, sa aktres na ina umano ng panganay ni Baron: "'di naman lahat kailangan nating ilabas"
Ogie Diaz Facebook
Source: Facebook

Matatandaang sa panayam kay Baron sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel, doon naisiwalat ng aktor patungkol sa isa pa niyang anak.

Matapos ito, kabi-kabilang espekulasyon ang lumabas sa kung sino ang aktres na ina ng ngayo'y 16-anyos na panganay ni Baron.

Read also

Alex Gonzaga, ibinida ang TikTok video nila ng kanyang mga magulang

Isa nga sa natanong si Ogie kung sino ang nasabing aktres subalit may paliwanag siya kung bakit hindi niya ito basta mapangalanan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kilala ko pero bilang respeto na pakiusap ni Baron na 'wag ko nang banggitin, baka hindi rin naman gusto nung kabila na banggitin ang pangalan e nirespeto ko. Ang napag-usapan lang namin ay ang pagkakaroon niya ng anak doon na ngayon ay 16 years old. At nakita ko 'yung mukha, apakagandang bata. At plakado. Hindi mo maide-deny na anak nga ito ni Baron."
"Saka ako naman 'di ba? Dapat with a heart tayo. Hindi naman lahat kailangan nating ilabas dahil gusto lang naming maka-scoop. So ako naman bilang pag-respeto doon sa ina ng kanyang anak e hindi naman para isiwalat natin. Kasi, dapat bumusina rin tayo doon sa girl. Sa aktres na pwede ko bang banggitin ang pangalan? E since ayaw naman pabanggit ni aktres kay Ate Cristy ang kanyang pangalan, sino naman tayo para banggitin dito?"

Read also

Ogie D, nakausap si Mayor Niña ukol sa viral video: "Nakulob lang daw"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron bago matapos ang taong 2023 sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel