Cristy kay Bea Alonzo tungkol sa kasalan: "'Pag tinatanong walang sinasabi, ay nakakatakot 'yun"

Cristy kay Bea Alonzo tungkol sa kasalan: "'Pag tinatanong walang sinasabi, ay nakakatakot 'yun"

- Nagbigay komento sina Cristy Fermin at mga kasama nito sa Showbiz Now Na! tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Naging maugong ang umano'y pagkakalabuan ng dalawa dahil sa ilang espekulasyon ng netizens sa kanilang kasalan

- Ani Cristy, ang hindi pagbibigay umano ng detalye ni Bea sa kasal ay tila 'nakakatakot' na maaring mauwi sa hindi magandang sitwasyon

- Sa naunang showbiz report ni Ogie Diaz, isang source umano ang nagsabing hiwalay na ang Bea-Dom subalit patuloy na sinusuyo ni Dominic si Bea

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang kontrobersyal na kasalan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Cristy kay Bea Alonzo tungkol sa kasalan: "'Pag tinatanong walang sinasabi, ay nakakatakot 'yun"
Bea Alonzo and Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan, naging matunog ang umano'y pagkakalabuan ng dalawa dahil na rin sa ilang espekulasyon ng publiko tulad ng hindi pagsusuot ng engagement ring ni Bea at sa umano'y naging sagot nito sa isang interbyu nang matanong ito tungkol sa kasalan.

Read also

Kathryn, umano'y di muna gagawa ng proyekto kasama si Daniel ayon sa source ni Cristy Fermin

"Pero 'pagka ganyan si Bea na very evasive siya, 'pag tinatanong walang sinasabi, ay nakakatakot 'yun. Kasi ang isang babaeing ikakasal, may kakambal 'yan na kilig. Kasi siyempre pakakasalan ka ng nobyo mo. Ddalhin ka sa altar, magpapalitan kayo ng I do, I do na yan."

Sa naunang ulat nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel, isa umanong source ang nagsabing hiwalay na ang Bea-Dom subalit sinusuyo pa rin naman ni Dominic si Bea dahil dito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Knock on wood. 'Wag naman po sanang mangyari yun na mapasabay sila sa kasalukuyang nagaganap na senaryo ng hiwalayan," giit ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

Samantala, July 18 ng nakaraang taong 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel