Xander, di namasko para sa anak: "'di siguro para sa amin ang Pasko at aginaldo"

Xander, di namasko para sa anak: "'di siguro para sa amin ang Pasko at aginaldo"

- Hindi raw umano namasko ang anak ni Xander Arizala sa mga ninong at ninang nito

- Ito ay dahil sa maaring maging tingin sa kanila ng mga ito gayundin ng publiko

- Aniya, kapag ibang vlogger daw umano ang humingi ng aginaldo, okay lang subalit kapag sila, maaring masabihan pa ng mukhang pera

- Matatandaang kamakailan ay naibahagi rin ni Whamos ang natamong pamasko ng kanyang anak na si Baby Meteor sa mga ninong at ninang nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila malaman ang naging post kamakailan ng social media personality na si Xander Arizala patungkol sa umano'y hindi pamamasko ng kanyang anak sa mga ninong at ninang nito.

Xander Arizala: "ibang vlogger ok lang humingi ng aginaldo, pero 'pag sa amin mukhang pera"
Xander Arizala (@z4nder.official)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, nasabi ni Xander na maari lamang sila umanong masabihang mukhang pera kung sila ay mamasko lalo na sa mga kilalang personalidad na ninong at ninang ng kanyang anak.

Read also

Anim na taong gulang, tini-text pa rin ang yumaong ina: "6 na ako ma"

"'Di na kami namasko sa mga Ninong/Ninang. Kasi 'pag sa ibang vlogger okay lang silang humingi ng aginaldo. Pero 'pag sa amin mukhang pera, mahirap walang wala," ani Xander.

"Hindi siguro para sa amin yung Pasko at aginaldo. Ito nalang ang meron kami, ang magkakasamang tatlo. Ito 'yung magandang aginaldo sa buong buhay namin," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng post:

Kamakailan, matatandaang naibahagi ng isa ring vlogger na si Whamos Cruz ang pamamasko ng kanyang anak na si Baby Meteor sa mga ninong at ninang nito.

Umaabot sa Php50,000 ang bigay kada ninong at ninang ni Baby Meteor.

Narito ang post na naibahagi rin ng Tea Pa More:

Si Marlou Arizala ay kilala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over na naibahagi rin sa programang Rated K.

Read also

Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"

Gayunpaman, matapos ang kabi-kabilang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Matatandaang noong 2023, naging palaisipan kung sino ang umano'y tinutukoy ni Xander sa kanyang post na umano'y hindi nakadalo sa binyag ng anak. Nangako raw umano ito na may sasagutin sa gastusin sa binyag subalit hindi raw niya nakuha. Agad niyang nilinaw na hindi si Ogie Diaz ang tinutukoy niyang ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel