Cristy sa Kathniel: "Ang kwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic"

Cristy sa Kathniel: "Ang kwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic"

- Nakarating umano kay Cristy Fermin na hindi na raw ire-renew ng Star Magic sin Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Ito ay matapos maging maugong ang isyu ng umano'y hiwalayan ng dalawa na hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula mismo sa kanila

- Sinasabing si Kathryn ay nakikipag-usap na kay Rambo Nuñez, ang mister ni Maja Salvador na bilang umano'y bagong management nito

- Habang si Daniel ay naghahanap din ng hahawak umano sa kanyang career

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa na naman umanong mainit na balita ang nakarating kay Cristy Fermin tungkol sa tambalang Kathniel.

Cristy sa Kathniel: "Ang kwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic"
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (@supremo_dp)
Source: Instagram

Ito umano ay sa kasagsagan ng napapabalita nilang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Aminado man si Cristy na wala pa silang resibo sa nakarating na balitang ito subalit hindi na raw ire-renew pa ng Star Magic ang dalawa.

Read also

Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"

"Ang kwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic. Ang balita, ang kampo ni Kathryn, nakikipag-usap na raw kay Rambo Nuñez, kina Maja" ani Cristy. Matatandaang sina Maja at mister nitong si Rambo ang nasa likod ng Crown Artist Management.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"At kay Daniel, nakarating din sayo [kay Wendell Alvarez] na kukuha na ng ibang management"

Nakarating din umano kay Cristy ang balitang nag-uusap na ang mga abogado ng dalawang kampo.

"Kasi nga po, maraming negosyo na magkasosyo si Daniel at saka si Kathryn. Marami pong business na sila ay sangkot. So ngayon ang nangyayari, yung abogado ni Kathryn at ni Daniel, inaano ngayon yung halaga ng mga ipinuhunan nila sa kani-kaniyang negosyo na pinagsaluhan nila."

"So pagka po ganyan na nagkakabawian na ng investment, ano pong ibig sabihin nun?" giit ni Cristy.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang nagkakamabutihan na umano sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na!:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Samantala, agaw-eksena naman kamakailan ang mga larawan ni Kathryn na dahil sa kanyang kakaibang pananamit. Dahil dito, mas lalong umigting ang bali-balitang hiwalay na umano sila ni Daniel na una raw umanong magbabawal kay Kathryn sa mga ganoong klaseng kasuotan. Gayunpaman, hanggang ngayo'y walang kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo o hindi ang napapabalitang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel