Cristy kay Paolo Contis: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"

Cristy kay Paolo Contis: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"

- Binigyang komento nina Cristy Fermin ang kontrobersiya nina Arra San Agustin at Paolo Contis

- Ito ay matapos mapansin ng publiko ang kakaibang closeness ng dalawa sa Eat Bulaga

- Ani Cristy, sakaling gimik lang ito ng programa, huwag sanang agad na paloloko

- At sakaling may katotohanan ang closeness na ito ng dalawa ay hayaan na lamang si Paolo ang magpaliwanag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Cristy Fermin ay nagbigay komento na rin sa usap-usapang closeness umano nina Paolo Contis at co-host nitong si Arra San Agustin.

Cristy sa umano'y isyu nina Paolo at Arra: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"
Paolo Contis
Source: Instagram

Ani Cristy, marami ang nakakapansin sa inaakto ng dalawa sa programa na animo'y hindi nalalayo sa dating 'AlDub' ng Eat Bulaga.

"Kung maruming-maruming-marumi ang isip mo, ang iisipin mo talaga nananamantala sa pagkakataon si Paolo," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang umano'y bashing ng netizens kay Ricci Rivero

At kung ibabase pa umano ito sa record ng pakikipagrelasyon ni Paolo, talaga umanong maiisip ng publiko ang dati niyang mga nagawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero, walang respeto sa karelasyon na si Yen Santos."

Kaya naman paalala ni Cristy, huwag basta maniniwala sa maaring gimik na ito nina Paolo.

"'Wag po tayong paloloko kung ito ay isang gimik lamang. Ngayon kung may katotohanan po ito, hayaan natin si Paolo ang magresolba ng problemang ito."

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

Naging kontrobersyal ang pahayag kamakailan ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Samantala, matatandaang naging usap-usapan din noon si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel