Cristy Fermin, inalmahan ang umano'y bashing ng netizens kay Ricci Rivero

Cristy Fermin, inalmahan ang umano'y bashing ng netizens kay Ricci Rivero

- Inalmahan ni Cristy Fermin ang umano'y labis na pambaba-bash na natatamo ni Ricci Rivero

- Ito ay kaugnay pa sa isyu ng hiwalayan nila noon ni Andrea Brillantes

- Ani Cristy, matagal na umano siyang nagpipigil na bitiwan ang pahayag ukol kay Andrea subalit labis na ang natatamong bashing ni Ricci

- Nabanggit din niya ang unang naisiwalat ni Andrea patungkol kay Ricci na tila pinag-ugatan umano ng 'di pa rin namamatay na isyung ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila hindi na rin nakapagpigil si Cristy Fermin na almahan ang mga bashers ng basketbolistang si Ricci Rivero na magpasahanggang ngayon ay binubuntutan pa rin ng kontrobersya.

Ricci
Ricci Rivero (Ricci Rivero Facebook)
Source: Facebook

Ito ay kaugnay pa rin ng naging hiwalayan umano nito sa aktres na si Andrea Brillantes na maging ang bago nilang karelasyon ay umano'y naaapektuhan na.

Read also

Cristy kay Paolo Contis: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"

Ayon kay Cristy, tila isyu ito ng kung ano ang nauna "manok ba o itlog" gayung maalalang unang nagsiwalat 'di kagandahang pahayag si Andrea sa kanyang dating nobyong si Ricci.

"Kung walang inilantad na ganon si Blythe, tahimik dapat itong hiwalayan na ito," panimula ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Alam mo matagal ko nang iniipit itong emosyon na ito. Ayaw ko sana itong bitiwan, pero dahil sobra na rin yung nababasa ko na pamba-bash kay Ricci Rivero. Hindi po kami magkakilala nang personal ni Ricci Rivero lalo po ang kanyang pamilya, hindi po kami magkakakilala. pero ito po... Sino po ba ang mayroong pwedeng ibato laban kay Andrea Brillantes. Alam po natin yan, matagal na panahon na ang nakalilipas. Meron pong isang senaryo na sapat para ikawasak ni Blythe. Pero sadyang kinalimutan ni Ricci yan para wala nang maibato na maruming basahan sa kanya. Alam natin yan," paliwanag niya.

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Noong Hunyo, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Kamakailan naman ay gumawa ng ingay ang komento ni Andrea na nais umano niyang maka-date ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak. Umani ng kabi-kabilang reaksyon ang komento niyang ito kaya naman nasabi ni Andrea ang mga katagang "is my love life or taste in boys really that relevant to this world, Full of problems na nga?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel