Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"

Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"

- Ayon kay Vanessa Raval, nanahimik siya sa kabila ng mga pangba-bash sa kanya matapos ang isyu na kinasangkutan niya noon dahil aminado siyang mali ang ginawa niya

- Gayunpaman, inalmahan niya ang mga komentong hindi siya anak ni Jeric Raval at anak siya ng pinsan nito

- Aniya, sana totoo na lang tsismis dahil baka daw nabigyan sila ng maayos na pamilya at maayos na buhay

- Hiling niya lang na humingi ng patawad ang tatay niya at makapagpatawaran sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Vanessa Raval na mali ang kanyang nagawa noon kaugnay sa kontrobersiyal niyang post kaya mas pinili niyang manahimik kahit na-bash siya. Gayunpaman, inalmahan niya ang mga komento na hindi daw siya tunay na anak ni Jeric Raval.

Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"
Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang" (Vanessa Raval)
Source: Facebook

Naglabas siya ng saloobin kaugnay sa napabalitang sinabi daw ni Jeric na hindi siya nito anak at ang pinsan daw ng action star ang ama ni Vanessa. Aniya, kung totoo ito ay baka nabigyan pa sila ng maayos na pamilya.

Read also

Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap"

Ngayon yung kumakalat na tsismis na naanakan ng first cousin mo yung nanay ko, sana totoo na lang. Baka dun, binigyan pa kami ng matinong pamilya, mas binigyan pa kami ng maayos na buhay.

Hiling niya lang na humingi ng patawad ang tatay niya at makapagpatawaran sila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vanessa Raval ay nakilala bilang anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala din siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Nagsalita si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Read also

Michael V, pinabulaanan ang balitang inalok siyang maging host ng Eat Bulaga

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel