Cristy sa mga naging pahayag ni Liza Soberano: "Napaka-inconsistent mo!"

Cristy sa mga naging pahayag ni Liza Soberano: "Napaka-inconsistent mo!"

- Nasabihan ni Cristy Fermin si Liza Soberano na 'inconsistent' sa mga nagingpahayag nito

- Matapos kasing maging kontrobersyal ang 'This is Me' vlog niya, nagpa-interview siya kay Bea Alonzo

- Doon, may ilan umano siyang nasabi na taliwas sa naging hinaing niya sa kanyang vlog

- Kamakailan naman ay inilabas ni Boy Abunda ang unang bahagi ng interview niya kay Liza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Napaka-inconsistent" daw umano ni Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin base umano sa mga inilalabas nitong pahayag vlog at sa mga naging interview sa kanya.

Cristy sa mga interview na pinaunlakan ni Liza Soberano: "Napaka-inconsistent mo!"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa na rito ay ang panayam sa kanya ni Bea Alonzo kung saan may ilan siyang nasabi na taliwas sa naging hinaing niya sa kanyang vlog na 'This is Me.'

Ani Cristy isa na rito ang nasabi nitong wala raw siyang boses upang magsabi ng nais o ayaw niya sa proyektong naibibigay sa kanya.

Read also

Cristy Fermin sa lagay ni Maegan Aguilar: "Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang"

Subalit sa panayam sa kanya ni Bea kung saan naibunyag niyang sa kanila sana ni Enrique Gil ang 'Hello, Love, Goodbye' nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, nasabi nitong nagpahintay sila ng kaunting panahon dahil gustong-gusto niya umanong gawin ang pelikula subalit may nakalinya pa siyang proyekto na gagawin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Inconsistent, napaka-inconsistent mo. Ang isda talaga nahuhuli sa bibig ano?" ani Cristy.

Nabanggit din nila ang umano'y pagpigil ng dati nitong manager na si Ogie Diaz at maging ng ABS-CBN sa sana'y pag-audition nito sa Spiderman. Isiniwalat ito ni Jeffrey Oh, isa sa mga nagma-manage na ngayon ng career Liza sa Careless.

"Talagang hindi po niya nakita ang mga tulong sa kanya ng mga taong nagsikap para matupad ang kanyang pangarap pero ang nakita niya ay kung paano siya pinigilan, nakita niya 'yung mga nakaraan"

Read also

Maegan Aguilar, may bagong patutsada: "Sa'yo na ang pera mo, I don't need your help"

"Ang dami mong naaalala ngayon, samantalang 'yung pagtanaw mo ng utang na loob hindi mo maalala"
"Lahat inconsistencies ang lumalabas. 'yung mga ayaw mo yung mga nireklamo mo, lumabas ngayon kinain mo lahat," ani Cristy kay Liza.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel